26.5 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Cayetano, binigyang diin ang kapangyarihan ng layunin at pagkakaisa sa mga simbahan

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY-INSPIRASYON si Senador Alan Peter Cayetano nitong Linggo sa libu-libong Kristiyano sa Puerto Princesa City tungkol sa kapangyarihan ng layuning at pagkakaisa sa ika-42 anibersaryo ng pagkakatatag ng Life Church Palawan.

Sa pagninilay-nilay sa kanyang 32 taon sa serbisyo publiko, ibinahagi ni Cayetano kung paano nag-iba ang kanyang paniniwalang dapat tugunan agad ang bawat isyu nang mag-isa.

Aniya, dapat ay may pag-unawa na ang bawat tao ay mahalagang bahagi ng isang mas solusyon.

Hinikayat niya ang kongregasyon, na nakasama niya mula nang magsimula ito, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tatlong mahahalagang aral na naaayon sa temang, “Better Together.”

“When I was younger, I felt that I had to do everything, and I had to do it right away. But as I learned in the Bible, each one of us is an answered prayer. Each one of us is a solution to a problem,” wika ng senador noong September 8, 2024.

Una, ibinahagi ni Cayetano ang “power of compounding,” na nagpapaliwanag na ang pag-sulong ay nangangailangan ng panahon at hindi nangangailangan ng agarang resulta.

“You don’t have to do everything right away. Just act step by step, inch by inch, and fix things one by one. In 10 years from now, narealize mo nabuo mo na [ang vision],” aniya.

Ang pangalawang ibinahagi niya ay ang kahalagahan ng paghahanda para sa susunod na henerasyon, at ng hindi “pagnakaw mula sa kanila” sa pamamagitan ng pagpapabaya sa mga responsibilidad.

“The Lord will always get things done, but He will use people. If you do not do your assignment, the Lord is still patient. But that generation will lose out! Why else did the Lord put that vision in your community and church in your heart? At the very least you should release that vision,” sabi ng senador.

Gamit ang basketball bilang halimbawa, binanggit ni Cayetano na habang marami ang naghahangad na maging sikat tulad ni Michael Jordan o Kobe Bryant, ang tagumpay ay nakasalalay sa lahat ng gumaganap ng kanilang papel sa komunidad. “You have a role, that’s why it’s better together,” wika niya.

Hinimok din ng senador ang kongregasyon na huwag matakot sa mga hamon sa hinaharap. Hinikayat niya silang manatili sa tamang landas at magtiwala na gagabayan at itatama sila ng Diyos kung kinakailangan.

“Huwag tayo matakot magkamali. ‘In all things, God works for the good of those who love Him, who have been called according to His purpose.’ Ang importante, tama ang direksyon natin,” sambit niya, habang binabanggit ang aklat na Romans mula sa Bibliya.

Nagtapos siya sa pamamagitan ng paghimok sa simbahan na ipagpatuloy ang pinag-isang pagsisikap nito, na itinayo sa matibay na pundasyong inilatag ng mga tagapagtatag nito.

“If we build our churches, we build our country… Remember sabi ni Lord, ‘If my people who are called by my name humble themselves and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then I will hear from heaven and will forgive their sin and heal their land,'” sabi niya, na binanggit ang 2 Chronicles mula sa Bibliya.

“Don’t worry, God is in control,” dagdag niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -