28.9 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

200 residente sa Aurora pinagkalooban ng libreng serbisyong medikal, atbp

- Advertisement -
- Advertisement -

NASA 200 residente ng barangay San Juan, Decoliat, at Galintuja, ng bayan ng Maria Aurora, lalawigan ng Aurora ang nakinabang mula sa Serbisyo Caravan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Kabilang sa mga serbisyong ibinigay sa mga residente ang libreng konsultasyong medikal, pagpapa-assess ng lupa, at pagbabayad ng buwis gayundin ang pagkuha ng mga legal na dokumento partikular ang sertipiko ng kapanganakan, pagpaparehistro para sa National ID, tulong hanapbuhay, at pagbibigay impormasyon sa mga libreng pagsasanay.

Namahagi din ng mga family food pack, libreng tsinelas, at gamot sa mga dumalo.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Ener Cambronero, ang proyekto ay bahagi ng “immersion phase” ng Retooled Community Support Program (RCSP) na pinangungunahan ng DILG at lokal na pamahalaan katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Ang RCSP ay naglalayon na paigtingin ang kooperasyon ng pamahalaan at komunidad upang labanan at wakasan ang insurhensya sa pamamagitan ng pag-aabot ng tulong sa mga mamamayan. (PIA Region 3-Aurora)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -