INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na bigyang-priyoridad ang paghahatid ng internet connectivity, lalo na sa mga liblib na komunidad sa Pilipinas.
Sa sectoral meeting tungkol sa National Digital Connectivity Plan 2024-2028, binigyang-diin ni PBBM ang agarang aksyon sa connectivity sa bansa. Para suportahan ang telecommunication companies, plano ng pamahalaan na buksan ang mga pampublikong pasilidad, gaya ng LGU offices, sa kanilang mga serbisyo.