26.5 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Nagpalitan ng ‘best practices’ sa ginanap na C40 Cities Southeast Asia Regional Academy sa QC

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINIDA ng Quezon City Government ang mga best practices ng lungsod sa pangangalaga at pagpo-protekta sa kalikasan, sa mga kinatawan ng iba-ibang bansa na bahagi ng C40 Cities Southeast Asia Regional Academy noong nakaraang linggo.

Ipinakita nina Mayor Joy Belmonte, QCPD Director PBGEn Redrico Maranan, at QC Female Dormitory Jail Warden JCInsp Lourvina Abrazado kay C40 Cities Co-Chair at Freetown Mayor Yvonne Aki-Sawyerr ang mga ‘Green Camp’ initiative ng Camp Karingal, at ‘No women left behind’ program ng QC Female Dormitory.

Ang mga kinatawan mula Kuala Lumpur, Jakarta, at QC naman ay pumunta sa Barangay Talipapa para sa kanilang May Buhay sa Basura Project; Quezon City University para sa kanilang Center for Urban Agriculture and Innovation; Goal: Zero Waste Management Program ng Megaworld Corporation sa Eastwood City; at sa UP AyalaLand Technohub para sa kanilang Reforestation Through Afforestation Program.

Ang mga site visits ay bahagi ng C40 Cities SEA Regional Academy mula September 2 hanggang 6. Sa Regional Academy, bawat siyudad ay nagpakita ng kanilang best practices sa inclusive climate action na maaaring i-adapt o paigtingin pa sa ibang lungsod. Mula sa Facebook page ng Quezon City Government

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -