SINIGURADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes, Setyembre 9, 2024, na walang ibibigay na special treatment sa proseso ng paghawak ng kasong criminal labn kay Pastor Apollo Quiboloy.
“So, I’m — it is really with some relief that I can say that at least this part, this phase of that operation is now over. And we now leave Mr. Quiboloy to the judiciary, to the judicial system,” sabi ni Pangulong Marcos sa isang media interview kasunod ng kanyang pagdalo sa Philippine Strategic Trade Management Summit 2024 sa Bonifacio Global City, Taguig City.
“And siyempre babantayan natin na tama naman ang mangyayari na lahat ng kanyang karapatan, walang nasasagasaan doon sa karapatan niya. Wala namang ibabalewala sa kanyang kahilingan kung anuman ‘yun. But again, there is no special treatment,” sabi ni Marcos.
Sinabi rin ng Pangulo na napilitan si Quiboloy na sumuko noong LInggo dahil tinutukan siya ng mga pulis sa kanyang pinagtataguan.
Noong Abril ng kasalukuyang taon, nag-utos ang korte ng Pasig City sap ag-aresto kay Quiboloy dahil sa qualified human trafficking. Nag-isyu din ang Davao City Regional Trial Court ng warrant of arrest dahil sa kasong child at sexual abuse.
Nahaharap din si Quiboloy sa mga kaso sa US dahil sa “conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud, and coercion, and sex trafficking of children.”
Sinabi rin ng Pangulo na uunahin ang mga kaso at mga reklamo laban kay Apollo Quiboloy na isinampa sa Pilipinas.
Samantala, pinuri ni Pangulong Marcos ang Philippine National Police (PNP) dahil sa kanilang ginawang operasyon upang mapasuko si Quiboloy. Tinawag niya ang ginawa ng PNP na “police work at its best,” at sinabing ito ang tamang papapatupad ng batas at pakikipag-ugnmayan sa ibang ahensya ng gobyreno.