26.5 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Sen Bato sinusuportahan ang OFWs Financial Literacy Enhancemant Act

- Advertisement -
- Advertisement -

NGABIGAY ngayon, Lunes, Setyembre 9, si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ng kanyang speech sa Senate Bill No. 2792 sa ilalim ng Committee Report No. 301 o “An act enhancing the financial literacy of overseas filipino workers (OFWs), and for other purposes.”
“Mr. President, esteemed colleagues, today I rise in strong support of Senate Bill No. 2792 under Committee Report No. 301, also known as the “OFWs Financial Literacy Enhancement Act.”

“Isusubo na lamang, ibibigay pa.” Ganyan po ang karamihan sa ating mga Pilipino: hangga’t kayang magtiis; hangga’t kayang magbigay. Nangibang-bansa ang ating mga kababayang OFW, malayo sa kanilang pamilya upang mapalapit sa pinapangarap na maginhawang buhay. Di nila alintana ang inip at lungkot. Ang tanging baon lamang nila ay ang pag-asa na balang-araw ay makakapiling ulit ang kanilang pamilya sa isang mas paborableng sirkumstansya.

“Ginoong Pangulo, tuwing uuwi po ang ating mga kababayang OFW ay tila may piyesta. Hindi lamang sa kanilang mga tahanan, kundi halos sa buong barangay. Bahagi na rin po marahil, ang pagtataglay nila ng isa sa maipagmamalaking katangian nating mga Pilipino—ang pagiging mapagbigay.

“Para po sa mga taong pinalad na maranasan ang kaunting kaginhawaan at kagyat na kaluwagan sa salapi, hindi po natin sila masisisi. Lalo pa’t ang gusto lamang nila ay maramdaman ng kanilang mga anak ang magandang buhay at hindi maipatikim ang gutom at pagkasalat.

“Ngunit kadalasan, panandalian lamang ang kasiyahan; at imbes na makapagretiro, napipilitan silang bumalik sa ibang bansa upang muling magtrabaho.

“Makailang-beses na po natin nasaksihan ang mga ganitong pangyayari kung kaya’t lubos ang pagsuporta natin sa panukalang batas na ito na magtuturo ng financial literacy para sa ating mga OFW. For clarification, this is not tantamount to legislating against the Filipino’s inherent generosity. Ang nais lamang po natin ay maipaunawa sa ating mga OFW na kung matututunan nila ang tamang pamamahala sa kanilang mga naipon, tiyak na mas makatutulong pa sila sa kanilang pamilya at kapwa.

“Bukod po sa pagiging mapagbigay, mapagtiwala rin po ang ating mga OFW. Marami po tuloy sa kanila ang nagiging biktima ng financial scam. Sa tuwing sila po ay mabibiktima, mayroon po itong ripple effect sa financial stability nila at kanilang mga pamilya.

“Ang pagpasa ng panukalang batas na ito ay tutugon sa mga nasabing isyu. By mandating financial literacy training as an integral part of the pre-departure and post-arrival process, we empower our OFWs with the essential financial knowledge, enabling them to make well-informed financial decisions. Ultimately, we help to ensure their long-term well-being and success.

“Saklaw ng mga training ang mga mahahalagang paksa tulad ng financial planning, saving, budgeting, debt management at ang pinakamahalaga, paano umiwas sa mga scam. Hindi po kailangang maglabas ng pera ng ating mga OFW para sa mga training na ito. Sinigurado po ng ating principal author na si Senator Tulfo na ang mga ito ay libre.

“In the end, this is not just about OFWs, Mr. President. You see, investing in the financial literacy of our OFWs is an investment in the future of our nation. By passing this bill, we demonstrate our commitment to protecting the welfare of our modern-day heroes and ensuring that their sacrifices will not go in vain. The logic is not quite a stretch; in fact, it is straightforward and clear-cut: stable finances directly contribute to stable families and, yes, a stable nation.

“Ang pangarap po natin ay maalis ang stigma na “ubos-biyaya” ang ating mga OFW. Nawa’y mas makilala sila bilang mga kababayan nating “lubos ang biyaya.”

“Before I end, with the permission of the principal sponsor, Senator Raffy Tulfo, I would like to be made co-author of this life-changing measure.

“Thank you.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -