NITONG Agosto, bumagal sa 3.3% ang inflation rate sa bansa mula sa 4.4% noong Hulyo 2024.
Ang average inflation rate ay nasa 3.6%, na nasa loob ng target ng pamahalaan na 2.0% hanggang 4.0%.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa pagpapababa ng taripa ng bigas, naibaba ang rice inflation mula 20.9% to 14.7%, at meat inflation na bumaba rin mula 4.8% to 4.0%, na malaking ginhawa para sa pang araw-araw na gastusin ng mga pamilya.
Dagdag pa ng Pangulo, “Palalawakin pa natin ang Kadiwa ng Pangulo program sa Visayas at Mindanao. Makatutulong ito sa pagsigurong abot-kaya ang bilihin para sa nakararaming Pilipino. Kasabay nito, sinimulan na rin natin ang controlled roll out ng African Swine Fever (ASF) vaccine para sa sapat na pork supply at para maiwasan ang “price hike” sa karne ng baboy. Ang ating mga aksyon para sa mas matatag na presyo ng transportasyon at gasolina ay nakatulong din sa pagpapagaan ng pasanin ng ating mga kababayan.
“These are concrete steps we’re taking to make sure that the Bagong Pilipinas we promised is felt where it matters most—at home.
“Patuloy ang trabaho. Ipagpapatuloy natin ang pag-usad upang matiyak na makakamtan ng bawat Pilipino ang mas komportableng buhay—sa pamamagitan ng dekalidad na trabaho at murang bilihin. Para sa bawat Pilipino, para sa Bagong Pilipinas.”