27.2 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Gatchalian hahamunin ang intelligence funds ng law enforcement agencies

- Advertisement -
- Advertisement -

SINABI ni Senador Win Gatchalian na hahamunin niya ang intelligence funds ng law enforcement agencies sa bansa dahil sa failure of intelligence kaugnay ng pagtakas mula sa bansa ng grupo ni Guo Hua Ping, na kilala rin bilang Alice Guo, nang hindi nalalaman ng mga awtoridad.

“Talagang may pagkukulang ang ating mga law enforcement agencies pagdating sa intelligence. Kapag tatalakayin na ang kanilang mga budget para sa 2025, tatanungin ko talaga ang mga ahensyang ito kung paano ginagastos ang kanilang intelligence funds at kung paano sila bumuo ng isang mahusay na intelligence network,” sabi ni Gatchalian.

Dapat ay nakita ng intelligence community ang kinaroroonan ni Alice Guo pagkatapos ng kanyang huling pagharap sa pagdinig ng Senado noong Mayo 22, ayon sa chairperson ng Ways and Means Committee.

“Malaya silang nakalipat ng iba pang lugar o nakarating ng pantalan. Ano ang nangyari doon sa network na binuo ng mga enforcement agencPinoyies?” tanong ni Gatchalian, matapos ang pahayag ni Sheila Guo, na isa pa lang Chinese national na may pangalang Zhang Mier. Sabi ni Shiela Guo, nakaalis sila ng bansa sa pamamagitan ng hindi natukoy na daungan sa Luzon.

“Dapat may managot, may kuntsabahan man kapalpakan ng intelligence,” sabi ni Gatchalian.

Pinuna rin niya ang mabagal na proseso ng pagsasampa ng mga kaso laban kay Alice Guo sampu ng kanyang mga kasamahan na responsable sa mga ilegal na POGO. Ipinunto niya na kung hindi naglabas ng arrest order ang Senado at Kamara, hindi sana humaharap ngayon sina Sheila Guo at Katherine Cassandra Ong sa mga pagdinig.

“Sana’y natuto na tayo sa mga nangyari, kaya mahalagang mabilis ang aksyon ng mga ahensya sa pangangalap ng mga ebidensiya para na rin sa agarang pagsasampa ng mga kaso,” aniya.

“Importante na mapanagot natin ang mga taong responsable sa mga krimen na nangyayari sa loob ng mga POGO,” pagtatapos niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -