PATULOY na lumalakas ang Severe Tropical Storm #EntengPH habang kumikilos ito pakanlurang hilaga-kanluran sa bilis na 10 km/h. Nakataas parin sa TCWS No.1 ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, hilagang bahagi ng La Union, at Abra.
Inaasahang lalabas ito sa Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga, Miyerkules, Agosto 4, 2024, at magpapatuloy ang paglakas nito sa buong forecast period.