28.2 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Lalawigan ng Batangas, nakaalerto sa Bagyong Enteng

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKAALERTO ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office(PDRRMO) ng Lalawigan ng Batangas kaugnay ng posibleng maging epekto ng bagyong Enteng sa probinsya.

Sa direktiba ni Governor Hermilando Mandanas, nauna nang nagdeklara ng pagkansela ng pasok sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan, kagabi, Setyembre 1, 2024 upang masiguro ang kaligtasan ng lahat sa inaasahang epekto ng bagyong Enteng. Ito ay batay sa isinagawang koordinasyon ng PDRRMC at Department of Education.

Ayon sa inilabas na ulat ng PDRRMO kaninang umaga, nasa yellow warning signal ang Lalawigan ng Batangas kasama ang ibang lugar tulad ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan at Bataan.

Manaka-naka hanggang sa mahinang pag-ulan ang nararanasan sa lalawigan kaninang umaga at ngayong hapon ay walang anumang ulan sa malaking bahagi ng lalawigan.

Sa ulat ng Alitagtag MDRRMO, may walong pamilya na binubuo ng 21 inidibidwal ang kusang nagsagawa ng pre-emptive evacuation kaninang umaga mula sa Brgy. Pinagkurusan dahilan sa ang tahanan ng mga ito ay yari sa light materials.

Nagkaloob naman ng hot meals ang barangay at magkakaloob ang pamahalaang lokal ng relief goods para sa mga ito.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng pagpupulong ang Response Cluster ng PDRRMC at inaasahang maglalabas ng karagdagang situation report sa lalawigan mamayang ala-singko ng hapon. (MPDC/PIA-Batangas)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -