32.8 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Tolentino: koordinasyon sa pagitan ng Asean countries, krusyal sa pagkakadakip kina Guo, Ong

- Advertisement -
- Advertisement -

MAHALAGA ang naging papel ng koordinasyon sa pagitan ng Asean countries sa pagtunton at pagkakadakip kina Shiela Leal Guo at Cassandra Li Ong sa Indonesia, at sa kanilang agarang pagkaka-deport pabalik sa bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino sa pagdinig ng Senado tungkol sa pagpuslit mula sa Pilipinas ng grupo nina dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, at mga isyung kaugnay ng iligal na POGO.

Sa pagtatanong ni Tolentino, ibinahagi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na agad niyang inalerto ang kanyang counterparts sa Singapore, Malaysia, at Indonesia matapos matanggap ang impormasyon na nasa Batam, Indonesia ang magkakapatid na Guo at si Ong.

Inusisa rin ng senador kung nagsagawa na rin ng koordinasyon ang BI sa Thailand, Laos, at Myanmar sa gitna ng mga ulat na patungo talaga sa Golden Triangle ang grupo ni Guo.

“Kung totoo yung sinasabi… na lagi ko naririnig sa balita, na ang pupuntahan talaga ay yung Golden Triangle, posible pa rin bang matunton si [Guo]?” tanong ni Tolentino.

“Ang tinutukoy ko rito ay ang Thailand, kung saan mayroon tayong extradition treaty, at sa Laos at Myanmar, kung saan wala tayong extradition treaty. Kaya pa rin ba nating gawin yun?” dagdag pa nya.

Positibo ang naging tugon ni Tansingco, sabay pagsabi nalumiham na rin ang BI sa Hong Kong dulot ng impormasyon na si Wesley Go ay maaaring nagtungo sa Hong Kong via Singapore.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -