28.2 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Imee: Anyare, na? Presyo ng bigas ngayong Agosto, hindi pa rin bumababa 

- Advertisement -
- Advertisement -

SA kabila ng pagpapatupad ng napakababang taripa na 15 percent sa imported na bigas, halos hindi gumagalaw ang presyo ng bigas sa pamilihan at patuloy ang kalbaryo ng ating mga kababayan, daing ni Sen. Imee  Marcos.

“Matapos ibaba ang taripa sa bigas ng 15% noong July 5, P60 mahigit pa rin ang kilo sa mga pamilihan. Anyare DA, DTI, NEDA? Sabi n’yo babagsak sa Agosto, e mag-Setyembre na ganun pa rin?” tanong ng senadora.

Bago ipatupad ang 15 percent taripa, nasa P60.65 kada kilo ang special imported rice, P56.84 ang premium imported, P53.43 ang well-milled imported, at P49.78 naman ang imported regular milled.

Pero nitong August 12-17, halos hindi gumalaw ang presyo. Nasa P60.07 kada killo ang special imported rice, P56.43 ang premium imported, P52.97 ang well-milled imported, at P48.17 ang imported regular milled.

“Hindi umubra ang pagbaba ng taripa mula 50 percent sa 35 percent, lalo ngang tumaas–mula P34, naging P62. Ngayong naging 15 percent, nangako kayong babagsak ang presyo-asan ang murang bigas?” tanong ni Sen. Imee.

Dagdag niya, “Inuulit ko ang aking panawagang maimbitahan ang lahat ng grupo ng magsasaka at ibang stakeholders para sa isang malawakang konsultasyon at review ng 15 percent tariff.”

Muli ring iginiit ng senadora na hindi solusyon sa krisis sa bigas ang pagpapababa ng taripa, kung hindi ang pagpaparami ng lokal na produksyon sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga magsasaka at sektor ng agrikultura.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -