NAGSAGAWA ng mga book reading session si Vice President Sara Duterte ng aklat na
“Isang Kaibigan” sa Davao City Library kamakailan.
Aniya, “Masayang-masaya ako na nakasama ang mga batang Dabawenyo mula sa iba’t ibang child centers sa Lungsod ng Dabaw para sa isang book reading session sa Davao City Library noong nakaraang Linggo.
”Sabay-sabay naming binasa ang librong aking sinulat na pinamagatang ‘Isang Kaibigan.’ Sa naturang book reading event ay binigyan ko sila ng tig-iisang kopya nito. Sinulat ko ito upang mahikayat ang mga bata na magbasa at sumulat ng sarili nilang mga libro o kwento.”
”Maraming salamat sa lahat ng bumubuo sa Davao City Library at sa mga batang lumahok sa ating book reading session.”