29.6 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Mga dahilan kung bakit tumaas ang National Government (NG) fiscal deficit sa unang kalahati ng 2024

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

BAKIT tumaas ang National Government (NG) fiscal deficit sa unang kalahati ng 2024? Ito ba ay dahil sa mahinang koleksyon o malakas na paggasta?

Umakyat ang deficit ng National Government (NG) ng 11.3% noong unang kalahati ng 2024.  Mula sa P511.7 milyon, rumatsada ito sa P603.9 bilyon. (Table 1) Ngunit kung bahagdan sa ng deficit sa GDP ay titingnan, bahagya lang ang pagtaas ng deficit mula 4.8% to 4.9%. At kung kumpara naman sa programmed deficit, ang actual deficit ay mas mababa ng P47.9 bilyon (Table 2)

Lumukso ang revenues ng NG sa 15.6% kumpara noong nakaraang taon, mas mataas kaysa sa 9.5% na paglago ng nominal GDP. Na-exceed ng actual revenues ang programmed revenues ng P72.5 bilyon. Ang ibig sabihin nito, sa pangkalahatan, mas mataas ang collection efficiency ng mga revenue collection agencies kumpara sa programa at noong nakaraang taon. Ang koleksyon ng BIR ay lumago ng 11.7%; ang BOC,  ng 4.2%; ang other offices, ng 59.5%. Kumpara sa programmed revenues, may collection shortfall ang BIR na P41.0 billion at may excess collection naman ang BOC na P12.9 bilyon, at other offices na P6.1 bilyon. Sa pangkalahatan, may overall shortfall of tax collection agencies na P10.3 bilyon.

Kabilang sa mga other offices ay ang Land Transportation Office (LTO) na nangongolekta ng  motor vehicle taxes, at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na siyang tagakolekta ng  forest products taxes.

Ang pinakamalaking paglago ay naitala ng  non-tax revenues na lumago ng 63.2% at naungusan ang programmed non-tax revenues ng P94.5 bilyon. Nahigitan ng excess collection ng non-tax revenues ang shortfall ng tax revenues. Karamihan dito ay mga koleksyon ng Bureau of the Treasury (BTR) mula sa mga dividends at shares sa profits  ng government corporations; proceeds ng pagbebenta ng mga ari-arian ng NG;  at interes at prinsipal ng mga pautang ng NG. Kasama rin dito ang fees and charges na kinokolekta ng mga ahensiya sa mga services na ibinibigay sa mamamayan, at ang kita sa mga royalties mula sa national wealth gaya ng Malampaya oil field, mga minahan,  at iba pa.


Sa kabilang dako, tumaas ng 14.6% ang expenditures dahil sa tinatayang 16.9% na paglago ng capital outlays at 22.2% na paglago ng other expenditures. Lumagpas ang expenditures ng P24.6 bilyon.  Ang malaking excess ay naitala ng capital outlays na P30.6 bilyon. Bahagya lang ang paglago ng allotments sa LGUs (0.7%) at ng interest expense (0.5%). Mas mataas ang allotments sa LGUs ng P7.9 bilyon. Mas mababa naman sa program ang actual interest expense na P11.3 bilyon. Nagkaroon ng savings sa program ang other expenditures ng P172.1 bilyon.

Dahil sa bahagyang pagtaas ng deficit, bumaba rin nang bahagya ang  NG debt-GDP ratio mula sa 61.0% noong 30 Hunyo 2023 sa 60.9% noong 30 Hunyo 2024. Ito ay alinsunod sa medium-term fiscal framework sa Philippine Development Plan 2022-2028 na kung saan pabababain ang debt ratio sa 56% sa 2028.

Table 1. FISCAL PERFORMANCE                JANUARY-  JUNE
(in P Billion) 2023 2024 2024 vs 2023
% Growth
TOTAL REVENUES 1,860.1 2,149.5 15.6%
   % of GDP 16.2% 17.1%
TAX REVENUES 1,667.6 1,835.3 10.1%
    % of GDP 14.5% 14.6%
     BIR 1,219.2 1,362.0 11.7%
     BOC 437.3 455.5 4.2%
     OTHER OFFICES 11.1 17.8 59.5%
NON-TAX REVENUES 192.5 314.2 63.2%
EXPENDITURES 2,411.9 2,763.5 14.6%
    % of GDP 21.0% 21.9%
    Capital outlays* 566.4 692.3 22.2%
    Allotments to LGUs 501.8 504.2 0.5%
    Interest expense 374.5 377.2 0.7%
    Others 969.2 1,189.8 22.8%
NG BALANCE (551.7) (613.9) 11.3%
    % of GDP -4.8% -4.9%
Nominal GDP 11,505.3 12,597.9 9.5%
Source: Bureau of the Treasury

*Estimate based on January-May actual growth rate

Table 2. ASSESSMENT OF FISCAL PERFORMANCE     JANUARY-JUNE  JANUARY-JUNE Excess/
(in P Billion) Program Actual (Shortfall)
TOTAL REVENUES 2,077.0 2,149.5 72.5
   % of GDP 16.5% 17.1% 0.6%
TAX REVENUES 1,845.6 1,835.3 (10.3)
    % of GDP 14.7% 14.6% -0.1%
     BIR 1,403.0 1,362.0 (41.0)
     BOC 442.6 455.5 12.9
     OTHER OFFICES 11.7 17.8 6.1
NON-TAX REVENUES 219.7 314.2 94.5
EXPENDITURES 2,738.8 2,763.5 24.6
    % of GDP 21.7% 22.0% 0.2%
    Capital outlays* 661.7 692.3 30.6
    Allotments to LGUs 514.7 692.3 177.5
    Interest expense 388.5 377.2 (11.3)
    Others 1,173.8 1,001.7 (172.1)
NG BALANCE (661.8) (613.9) 47.9
    % of GDP -5.3% -4.9% 0.4%
Nominal GDP        12,598   12,598
Source: Bureau of the Treasury

 

- Advertisement -

 

Table 1. FISCAL PERFORMANCE                JANUARY-JUNE  

JANUARY-JUNE

(in P Billion) 2023 2024 2024 vs 2023
% Growth
TOTAL REVENUES 1,860.1 2,149.5 15.6%
   % of GDP 16.2% 17.1%
TAX REVENUES 1,667.6 1,835.3 10.1%
    % of GDP 14.5% 14.6%
     BIR 1,219.2 1,362.0 11.7%
     BOC 437.3 455.5 4.2%
     OTHER OFFICES 11.1 17.8 59.5%
NON-TAX REVENUES 192.5 314.2 63.2%
EXPENDITURES 2,411.9 2,763.5 14.6%
    % of GDP 21.0% 22.0%
    Capital outlays 566.4 692.3 22.2%
    Allotments to LGUs 501.8 504.2 0.5%
    Interest expense 374.5 377.2 0.7%
    Others 969.2 1,189.8 22.8%
NG BALANCE (551.7) (613.9) 11.3%
    % of GDP -4.8% -4.9%
Nominal GDP 11,505.3 12,571.3 9.3%
Source: Bureau of the Treasury

 

Table 2. ASSESSMENT OF FISCAL PERFORMANCE     JANUARY-JUNE  JANUARY-JUNE Excess/
(in P Billion) Program Actual (Shortfall)
TOTAL REVENUES 2,077.0 2,149.5 72.5
   % of GDP 16.5% 17.1% 0.6%
TAX REVENUES 1,845.6 1,835.3 (10.3)
    % of GDP 14.7% 14.6% -0.1%
     BIR 1,403.0 1,362.0 (41.0)
     BOC 442.6 455.5 12.9
     OTHER OFFICES 11.7 17.8 6.1
NON-TAX REVENUES 219.7 314.2 94.5
EXPENDITURES 2,738.8 2,763.5 24.6
    % of GDP 21.8% 22.0% 0.2%
    Capital outlays 661.7 692.3 30.6
    Allotments to LGUs 514.7 522.6 7.9
    Interest expense 388.5 377.2 (11.3)
    Others       1,173.8 1,001.7 (172.1)
NG BALANCE (661.8) (613.9) 47.9
    % of GDP -5.3% -4.9% 0.4%
Nominal GDP        12,594   12,598
Source: Bureau of the Treasury

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -