31.5 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Automatic na kulong sa mga driver na sangkot sa aksidente, pinapanukalang ipagbawal ni Sen JV

- Advertisement -
- Advertisement -

HINDI  awtomatikong ikukulong ang mga drayber na nasasangkot sa aksidente kung makakapagbigay sila ng inisyal na ebidensya na sila ay sumusunod sa batas-trapiko sa oras ng insidente, ayon sa panukalang batas ni Senior Deputy Majority Leader Joseph Victor “JV” Ejercito.

Itinutulak ni Ejercito ang Senate Bill No. 2798, o ang “Defensive Driving Act of 2024,” na layuning amyendahan ang Article 124 ng Revised Penal Code.

Ito ay naglalayong i-exempt ang mga drayber mula sa detention kung makakapagbigay sila ng dashcam footage, CCTV footage, o iba pang video o larawan na nagpapatunay na sila ay inosente o sumusunod sa mga batas-trapiko bago at habang nangyayari ang insidente.

“While understanding the need for authorities to detain individuals involved in accidents, we must ensure that innocent drivers are not unfairly penalized,” pahayag ni Ejercito.

Inihalimbawa ng senador ang isang kamakailang kaso sa Skyway Stage 3 sa Quezon City, kung saan isang lasing na motorcyclist ang bumangga sa isang paparating na Asian Utility Vehicle (AUV) habang nagmamaneho sa maling direksyon ng trapiko.

Sa kasamaang palad, namatay ang motorcyclist dahil sa kanyang mga natamong pinsala. Sa kabila ng pagiging biktima, na-detain ang driver ng AUV, na nagdulot ng galit mula sa publiko.

“These incidents persist and will continue to persist, unless we take legislative action.”

Naniniwala si Ejercito na ang mga may malinaw na ebidensya ng pagiging inosente sa aksidente o defensive driving ay dapat agad na palayain.

“By prioritizing the swift release of innocent drivers and conducting thorough investigations, we can establish a more equitable and just system that protects the rights of all parties involved in accidents.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -