24.7 C
Manila
Martes, Enero 7, 2025

Tolentino: Navy, kampeon sa 2024 Philippine ROTC Games

- Advertisement -
- Advertisement -

ITINANGHAL. ang Philippine Navy bilang pangkalahatang kampeon ng pambansang edisyon ng Philippine ROTC Games (Reserve Officers’ Training Corps) na isinagawa sa lalawigan ng Cavite mula Agosto 18-23.

Nagwagi ng 44 ginto, 19 pilak, at 26 tansong medalya ang cadet-athletes ng Navy para pangunahan ang kumpetisyon. Naungusan naman nito ang Philippine Army na nagtala naman ng 42 ginto, 54 pilak, at 77 tanso.

Samantala, kumulekta ang mga kadete ng Philippine Air Force ng 18 ginto, 27 pilak, at 39 tanso para sa ikatlong pwesto.

Naguna naman ang De La Salle University (DLSU) ayon sa school category sa rekord nitong 25 ginto at 3 pilak, habang sumunod dito ang Rizal Technological University (RTU) na nakakuha ng 18 ginto, 17 pilak, at 11 tanso.

“Naipamalas muli ng kumpetisyong ito kung paano postibong nakakatulong ang ROTC program sa youth development. Sa pamamagitan ng sports, nahuhubog ang husay, disiplina, at kakayahang mamuno ng ating mga kadete,” pahayag ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino, ang ama at pangunahing tagapag-sulong ng ROTC Games.

“Ang ROTC Games ngayong taon ay inspirado ng ipinamalas na husay ng ating Filipino Olympians sa Paris Olympics. Nakasisiguro ako na mula sa hanay ng ating mga kadete ay uusbong ang bagong henerasyon ng national athletes, at maging ng mga susunod na Olympians,” dagdag pa nya.

Umabot sa 151 pampubliko at pribadong unibersidad na kinatawan ng 1,115 cadet-athletes ang lumahok sa pambansang paligsahan ngayong taon, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).

Binubuo ng 14 sports ang kampeonato, kabilang ang arnis, athletics, basketball, boxing, chess, e-sports, kickboxing, sepak takraw, shooting, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball, at ang raiders’ competition – kung saan nagtagisan sa military skills at strategy ang mga kadete.

Ang PH ROTC Games ay magkatuwang na programa nina Senador Tolentino kasama ang CHED, Philippine Sports Commission, at Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Samantala, ang Cavite State University (CVSU) sa pamumuno ng pangulo nito na si Dr. Hernando Robles, ang nagsilbing host sa Luzon leg at pambansang kampeonato ng kumpetisyon.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -