26.9 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Makahulugang Pambansang Araw ng mga Bayani

- Advertisement -
- Advertisement -

GINUGUNITA ang Pambansang Araw ng mga Bayani (National Heroes Day) ngayong araw, Agosto 26, 2024, sa Libingan ng mga Bayani sa Lungsod ng Taguig. Ang tema ngayong taon ay “Kabayanihan ng Pilipino sa Panahon ng Pagbabago.”


Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang seremonya ng pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa Puntod ng Di-Kilalang Sundalo (Tomb of the Unknown Soldier). Sinamahan siya ng mga opisyal at kawani mula sa pambansa at lokal na tanggapan.

Nagsimulang gunitain ang mga bayaning Pilipino noong 1898 nang gawing pista opisyal ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang  Disyembre 30  upang maging araw ng pagluluksa para kay Jose Rizal at sa mga makabayang Pilipino na namatay sa pakikibaka laban sa mga Espanyol.

Itinuring din bilang araw para sa mga bayani ang anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio nang maging pista opisyal ito sa bisa ng Batas Blg. 2946 (Pebrero 16, 1921).

Nagkaroon lamang ng hiwalay na Pambansang Araw ng mga Bayani sa bisa ng Batas Blg. 3827 (Oktubre 28, 1931). Inilagay ito sa huling Linggo ng Agosto, tila upang masaklaw ang Unang Sigaw at Unang Labanan ng Himagsikan sa dulo ng Agosto 1896.

Gayunman, ipinagpatuloy ang paggunita ng Araw ng mga Bayani sa Nobyembre hanggang 1952, nang isang lupon para rito ang nilikha sa pamamagitan ng Kautusang Administratibo Blg. 190 ( Agosto 11, 1952). Sa bisa ng Batas ng Republika Blg. 9492 (Hulyo 24, 2007), inilipat sa huling Lunes ng Agosto ang paggunita.

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan na nilikha ng Proklamasyon Blg. 339 (16 Pebrero 16, 2012) ay nakaangkla sa paggunita ng Pambansang Araw ng mga Bayani.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -