NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na ipaliwanag ang pag-apruba nito sa pagtaas ng singil sa kuryente simula Oktubre ng taong ito sa hangaring matiyak na makatwiran ang pagtaas.
“Kailangan nating tiyakin na ang anumang pass-through charges ay makatwiran upang ang anumang pagtaas sa presyo ng kuryente ay hindi masyadong pabigat sa mga mamimili,” sabi ni Gatchalian. Nauna nang inaprubahan ng ERC ang pagtataas ng rate ng Meralco kasunod ng nakukuha nitong mas mataas ring suplay mula sa natural gas-fired power plants.
Batay sa resolusyon ng ERC, pinapayagan nito ang Meralco na i-reflect sa electricity bill ang adjusted rates mula sa gas-fired power plants ng First Gas Power Corp. at FGP Corp. simula sa Oktubre. Inaasahang aabot sa 32 hanggang 33 sentimos ang rate hike kada kilowatt-hour (kWh) buwan-buwan sa loob ng 12 buwan.
Bilang vice chairperson ng Senate Committee on Energy, sinabi ni Gatchalian na dapat imbestigahan ng ERC ang presyo ng LNG na kinontrata ng mga planta ng gas na humantong sa pagtataas ng singil.
“Importante na masiguro natin na ang lahat ng pinapasang bayarin sa mga konsyumer ay nasa katwiran at hindi pwedeng basta lang ipinapasa ng ERC,” sabi ng senador.
Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na ipaliwanag ang pag-apruba nito sa pagtaas ng singil sa kuryente simula Oktubre ng taong ito sa hangaring matiyak na makatwiran ang pagtaas.