NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Vice President Sara Duterte ukol sa paninirang puri gamit ang alegasyong plagiarism nitong Agosto 21 sa kanyang Facebook page. Ito ang kanyang pahayag:
Mga kababayan,
Napakadaling sumulat ng maikling kwento batay sa sariling karanasan, hindi na kailangang mangopya pa. Ang proyekto ay para mahikayat ang mga bata na mahalin ang pagbabasa at sumulat ng sarili nilang kwento.
Hindi ang libro ang problema ng bayan kundi ang kahinaan sa pagbabasa ng ating kabataan.
Abangan ninyo ang susunod kong isusulat na libro tungkol sa pagtataksil ng isang kaibihgan.”