29.6 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

‘Ilaban natin ang mga anak natin’

- Advertisement -
- Advertisement -
NANAWAGAN si DILG Sec Benhur Abalos kay Pastor Apollo Quiboloy na harapin ang kasong sexual assault, iba pa.
“Ang akusasyon (ng panggagahasa ng bata), calls for a direct answer. Totoo ba ito Pastor o hindi?”
Ito ang pahayag ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos kay Pastor Apollo Quiboloy, na hinimok din niyang sumuko na at harapin ang ibat-ibang kasong nakasampa laban sa kanya.
Si Quiboloy at ang kanyang mga kasabwat ay may warrant of arrest para sa mga kasong qualified human trafficking, sexual abuse of minors, at maltreatment.
Idinagdag din niya na hindi niya kilala si Quiboloy ng personal at iginagalang niya ang relihiyon at pagkatao nito, pero kailangang ipatupad ang batas.
“Ilaban natin ang mga anak natin. Bilang ama, hindi dapat mangyari sa kung sino man na anak ito. …Hustisya lang po, dapat malaman natin ang totoo dito,” dagdag pa ng Kalihim.
Para kay Abalos ay mas mainam na sumuko na lamang si Quiboloy para mailahad niya ang kanyang panig at maipagtanggol ang sarili sa hukuman , at ganoon din naman maiwasan ang kaguluhan at di inaasahang mga pangyayari.
“He is deemed to be innocent until his guilt is proven. Mas mabuti sumuko na siya, magpakita na siya para maklaro lahat because these are very serious allegations,” saad ni Abalos.
Sa pagdinig sa Senado kaugnay sa umano’y paggamit ng “excessive force” ng mga kapulisan sa pagpapatupad ng warrant of arrest kay Quiboloy, sinabi ni Abalos na tumutupad lamang ang mga pulis sa kanilang tungkulin.
“Tandaan natin na ang basehan ng demokrasya ay hustisya, at ang basehan ng hustisya ay ang batas. At iyan ang pinapatupad namin,” aniya.
“Kung hindi namin gagawin iyan, babagsak ang buong bansa kung tatalikod na lang kami rito,” dagdag pa niya.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -