NAKIPAGPULONG kahapon si Senate President Francis ‘Chiz’ G. Escudero sa mga kinatawan ng transport groups na tinaguriang Magnificent 7 na kabilang sa mga sumunod sa PUV Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
Nilinaw ni Escudero ang posisyon ng Mataas na Kapulungan matapos lumagda ang 22 senador na nananawagang suspendihin ang PUVMP.
Kanyang ipinaliwanag na hindi apektado ang Magnificent 7 ng nasabing resolusyon dahil ang layunin nito ay huwag ideklarang kolorum at huwag puwersahin ang mga hindi pa handang sumali sa nasabing programa.