KASUNOD ng pinaigting na surveillance dahil sa deklarasyon ng World Health Organization sa mpox (dating monkeypox) bilang isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC), nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng isang bagong kaso ng mpox sa Pilipinas. Bago ito, ang huling kaso ay naiulat noong Disyembre 2023. Ang lahat ng mga naunang kaso ay na-isolate, naagapan, at gumaling na sa sakit.
Mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DoH) protektahan ang sarili at ang ang buong pamilya laban sa sakit at maling impormasyon. Maging handa sa banta ng mpox – sundin at tignan ang ilang Health Reminders sa mga larawan.