IBINALITA ni Senador Jinggoy Ejercito na pina-contempt niya ang GMA independent contractor na si Jojo Nones sa Senado.
Sabi ni Jinggoy, “Sa pagpapatuloy ng ating pagdinig, pina-contempt natin ang GMA independent contractor na si Jojo Nones dahil sa paulit-ulit na pag-iwas sa mga direktang katanungan at pagsisinungaling nito sa harap ng komite.
“Patuloy nating iimbestigahan ang mga polisiya ng television networks at artist management agencies GMA independent contractor ng ating natatanggap na mga reklamong pang-aabuso at di umano’y sexual harassment sa mga artista at talents na makakatulong sa pagbalangkas natin ng panukalang batas upang tuldukan na ang ganitong issue sa entertainment industry.”