26.8 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Alice Guo o Guo Hua Ping, nakaalis na ng Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -
IBINALITA ni Senador Risa Hontiveros na nakaalis na ng Pilipinas si Alice Guo o Guo Hua Ping at pumunta sa Kuala Lumpur, Malaysia sa ginanap na plenary session sa Senado kahapon, Lunes, Agosto 19.
Pahayag ni Hontiveros, “I am now in receipt of information that in fact this person was already out of the country on July 18, 2024 to Kuala Lumpur, Malaysia. Ipapakita ko po ang dokumentong ito, bilang patunay na pumasok sa Malaysia si Alice Guo.
Siya po ay pumasok ng 12:17:13 ng July 18.
”Mr. President, hindi po pwede ipagkaila na siya ito dahil po match na match po ito sa kanyang Philippine passport na ifaflash ko ngayon.
”Maraming salamat sa NBI sa impormasyon na ito, patuloy ang pag track nila kay Alice Guo.
”Ayon sa aking isa pang source, tumuloy si Alice Guo sa Singapore, kung saan nag tagpo-tagpo sila ng kanyang magulang na si Lin Wen Yi at Guo JianZhong.
“The couple flew in from China on July 28, 2024. Mistulang reunion sila doon kasama si Wesley Guo at si Cassandra Ong.
“Who allowed this travesty to happen? Sino ang may kagagawan nito?
”Hindi makakaalis si Alice Guo kung walang tumulong sa kanya na mga opisyales ng pamahalaan. Para tayong ginigisa sa sarili nating mantika.
”I have always believed that legislative hearings are policy-driven kaya nung nag announce na ng ban ang Pangulo, sabi ko, we have done our jobs, let law enforcement take the lead.
“Pero paano kung ang law enforcement mismo ang kelangan imbestigahan? What if they dropped the ball? Paano kung sila ang dapat managot? Nangako ang BI sa akin at sa Senate President Pro Tempore na hindi nila hahayaan si Guo Hua Ping na makaalis sa Pilipinas, eh yun pala ay wala na talaga siya.
“Kung hindi po natin ito gawan ng paraan, as an institution, as a country, parang nagpasampal tayo sa dayuhang ito na paulit ulit na sinasalaula ang ating mga batas, patakaran at proseso.”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -