28.2 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Sen Imee isusulong ang patuloy na pagpopondo sa AICS at iba pang programa sa kanyang pagbisita sa Sultan Kudarat

- Advertisement -
- Advertisement -

DUMALAW sa lalawigan ng Sultan Kudarat si Senator Imee Marcos nitong araw ng Linggo, ika-18 ng Agosto 2024, upang makipagpulong sa mga magsasaka, mangingisda, katutubo, barangay at SK officials, at mga lokal na opisyal ng mga munisipalidad ng Lebak at Palimbang.

Bilang chairman ng Committee on Social Justice, Welfare and Development ng Senado, na siyang humihimay at nagdedepensa sa budget ng DSWD, tiniyak ni Sen. Imee na isusulong niyang patuloy na mapopondohan ang iba’t ibang programa ng ahensiya para sa mahihirap gaya ng AICS, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s), Kalahi Cash-for-Work Program, Sustainable Livelihood Program (SLP), Social Pension for Indigent Senior Citizens, Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP), PAMANA, educational assistance, pamamahagi ng relief goods sa panahon ng kalamidad at sakuna, at marami pang iba.

“Ngayong nagsimula na ang budget season para sa panukalang P6.352 trillion budget para sa taong 2025, titiyakin ng aming komite na patuloy na mapopondohan ang mahahalagang programa ng DSWD dahil maraming kababayan natin ang natutulungan sa panahon ng kanilang labis na pangangailangan,” sabi ni Sen. Imee.

“Kasabay niyan, siyempre, ang ating pagsusumikap na makagawa ng pangmatagalang mga solusyon–IMEEsolusyon–sa kahirapan, gutom at nagtataasang presyo ng bigas at iba pang pagkain, kakulangan sa trabaho, mga problemang pangkalusugan, at mga hamon sa ekonomiya,” dagdag ng senadora.

Ibinahagi ni Sen. Imee na 1,500 magsasaka at mangingisda mula Lebak at Palimbang ang nakatakdang makatanggap ng tig-P2,000 AICS mula sa DSWD sa lalong madaling panahon.

Umabot na sa P15.701 million AICS; at P13 million DSWD Educational Assistance (3,000 college students, Sultan Kudarat State University) ang naipamahagi ni Sen. Imee sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Kasalukuyan ding natutulungan ang 500 graduates at estudyante ng Sultan Kudarat University sa pamamagitan ng Kalahi cash-for-work program na aabot ng P18.135 million.

Sabi ni Sen. Imee sa phone,”Sana makatulong tayo kasi alam naman natin itong mga areas na ‘to, bago lang yung survey (for the program beneficiaries). Kahit wala sa pulitika, kailangan tulungan dahil talagang napakahuli nila, talagang nahuhuli, nakukulelat sila sa development.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -