28.2 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Cayetano hinimok ang DBCC na suriing mabuti ang pondo para sa mga housing project

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano ang Development Budget Coordination Committee o DBCC na suriin nang mabuti ang pondo para sa mga programang pabahay dahil sa pangamba tungkol sa paggamit ng sovereign guarantee para sa inisyatibang ito.

Sa naganap na briefing ng Senate Committee on Finance kasama ang DBCC para sa Proposed 2025 National Expenditure Program nitong August 14, 2024, binanggit ni Cayetano ang isang ulat noong August 7 na nagsasabing pinahintulutan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sovereign guarantee para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) program.

Binalikan ng senador ang mga isyu kung saan ang mga developer na sinuportahan ng garantiya mula sa gobyerno ay nagkaroon ng problemang pinansyal kapag hindi nakapagbayad ang borrower o nangutang.

“This is my fear. Hindi ba naging problema natin noon is that developers would borrow [funds from] GSIS (Government Service Insurance System), PagIBIG, et cetera, [and] SSS (Social Security System) would guarantee and then they would let the buyers borrow also,” wika niya.

Ang sovereign guarantee ay pangako mula sa gobyerno na babayaran ang hiniram ng nangutang kung hindi ito makakapagbayad. Sa pag-apruba nito ni Pangulong Marcos, susuportahan ng gobyerno ang mga pinansyal na obligasyon ng 4PH program, na makakatulong sa pag-secure ng pondo mula sa mga international o private sources. Dahil dito, mababawasan din ang mga karaniwang problema para sa mga nagpapautang.

Binigyang-diin ni Cayetano na kung kumpiyansa si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar sa pagbibigay ng tahanan para sa mga walang tirahan sa pamamagitan ng programang ito, mahalagang pag-aralan nang mabuti ang disenyo ng programa at ang proseso ng pagpapatupad nito.

“Ang point ko lang, kasi sabi niya na y’ung minimum wage owners daw, mabibigyan niya ng ownership ng bahay. If that’s true, I love that,” sabi niya.

Ipinunto ni Cayetano na kailangang maging makatotohanan ang pagbibigay ng pondo para sa mga proyektong pabahay. Hinimok rin ng senador ang DBCC na suriing mabuti ang pondo upang matiyak na praktikal at epektibo ito.

“We all want quality housing. We all want to fix that. But economics has to work,” sabi niya.

“Pakibantayan lang ‘yon kasi I want him [Acuzar] to succeed. I want the housing sector and the projects to succeed, but it has to be workable,” dagdag niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -