29.6 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Gatchalian: Kailangan ng malawakang reporma ng ‘National Learning Recovery Program’

- Advertisement -
- Advertisement -

ITINUTULAK ni Senador Win Gatchalian ang malawakang reporma sa National Learning Recovery Program (NLRP) ng Department of Education (DepEd).

“Lumalabas na hindi nito natutugunan ang dapat sana’y target na mga mag-aaral na nangangailangan ng intervention. Pangalawa, hindi ito nagiging epektibo upang makasabay ang mga mag-aaral sa kanilang grade level. Para sa akin, kailangan ng reporma ng programa upang makamit ang mga inaasahang resulta,” sabi ni Gatchalian, Chaiman ng Senate Committee on Basic Education.

Target ng DepEd na isailalim sa pagsusulit ang 1.7 milyong estudyante ng Grade 7 ngunit tanging 53.69% lamang ang nakalahok. Ayon sa datos, nasa 10% lamang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng intervention ang dumalo sa learning camps. Boluntaryo lang kasi ang pagdalo sa mga ganitong learning camps, sabi ng DepEd.

Dahil sa kakulangan ng sapat na datos, sinabi ng senador na hindi mabisang nata-target at naaabot ng DepEd ang mga mag-aaral na nangangailangan ng interbensyon. Dagdag pa ng mambabatas, dahil hindi natutukoy ng programa ang mga mag-aaral na nangangailangan ng suporta, hindi rin epektibo ang paggamit ng mga pondo.

“Ang kailangan nating tugunan agad ay ang intervention program dahil nandoon ‘yung mga nangangailangan ng tulong. Sila ‘yung mga nangangailangan ng government resources upang makasabay. Ang nais natin ay gamitin ang lahat ng ating mga pondo para sa intervention program,” pagdidiin ni Gatchalian.

Dagdag pa ng senador, hindi nagpapabuti ng mga marka o score ng mga mag-aaral ang National Learning Camp Assessments (NLCA) na isinagawa para sa mga estudyante ng Grade 8. Batay sa pangkalahatang resulta ng 2023 NLCA, habang ang pambansang average ng mga Grade 8 sa mga pre-test sa English, Science, at Math ay 37.23, ang pambansang average naman ng mga nasa Grade 9 sa post-test ng parehong mga subject ay 35.74 lamang.

Samantala, sinabi ni Gatchalian na inaasahang raratipikahan na ng Kongreso ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act (Senate Bill No. 1604), na magtataguyod ng mga intervention programs para sa mag-aaral. Ito ay may mga sistematikong tutorial session at dinisenyong intervention plans sa pag-aaral.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -