KAISA ang Kagawaran ng Edukasyon ng buong bansa sa pagdiriwang ng Asean Month ngayong buwan ng Agosto na may temang “Asean: Enhancing Connectivity and Resilience.”
Nitong Agosto 8, ginunita rin ang Asean Day o ang ika-57 taong pagkatatag ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) noong 1967. Ang Kagawaran bilang pangunahing tagapagtaguyod ng edukasyon sa bansa ay patuloy na nakikipagtulungan sa Asean upang maisakatuparan ang hangaring mapaunlad ang edukasyon sa rehiyon.
Abangan ang mga update sa mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Asean Month sa Facebook page ng DepEd Philippines.