28.2 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Higit 5K residente ng Catanauan, nabigyan ng libreng tulong-medikal, gamot

- Advertisement -
- Advertisement -

UMABOT sa 5,338 na mamamayan sa bayan ng Catanauan, Quezon  ang natulungan ng programang “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon noong Sabado, Agosto 3.

Ayon sa Quezon Public Information Office, sa pamamagitan ng  mga doktor at espesyalista mula sa iba’t ibang ospital ay matagumpay na naihatid ang mga libreng serbisyong medikal, tulad ng medical check-up, bunot ng ngipin, minor surgery sa may maliit na bukol, tuli, eye check-up, ENT, derma, x-ray, ultrasound, ECG, CBC, urinalysis, cervical cancer screening, at pagbabakuna ng PCV 23.

Nakasama rin sa pagbibigay ng serbisyo ang mga kawani mula sa Department of Health (DoH), gayundin ang Barangay Health Workers (BHW) ng bayan ng Catanauan.

Samantala, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) ay nakapamahagi rin ng medical assistance mula sa programang AICS para sa mga pasyente na hindi available ang niresetang gamot o walang serbisyong akma sa laboratoryong pinagdausan ng medical mission.

Lubos naman ang ipinakitang pagsuporta sa nasabing napakahalagang programang pangkalusugan nina Governor Doktora Helen Tan, Vice Governor Third Alcala, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, Board Member John Joseph Aquivido, at Mayor Ramon Orfanel.

Nagpasalamat naman ang mga pasyenteng natulungan ng medical mission. (RO/PIA-Quezon)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -