26.8 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Sen Lapid at 2nd District Cong. Jimboy Tan naglaan ng 3M na ayuda para sa 3 barangay sa Calbayod City

- Advertisement -
- Advertisement -

NAMAHAGI si Senador Lito Lapid ng ayuda sa mga mahihirap na pamilya sa tatlong Barangay sa Calbayog City, nitong Huwebes ng umaga.

Sa inisyatiba nina Senador Lapid at 2nd District Cong. Jimboy Tan, naglaan sila ng tatlong milyong piso para sa Assistance to Individual in Crisis Situation(AICS) sa Calbayog City.

Nagpasalamat naman kay Lapid ang mga benepisyaryo sa napapanahong ayuda sa kanila, kabilang na ang mga senior citizen, PWDs, single parents, mga magsasaka, mangingisda at mga estudyante.

Patuloy ang pag-iikot ni Lapid sa mga nasalanta ng bagyo at iba pang lugar para mamahagi ng food packs at ayuda sa mga apektadong mamamayan

Nagpasalamat din si Mayor Raymund “Monmon” Uy kay Sen. Lapid at Tieza COO Mark Lapid sa ibibigay na pondong P150-milyon na ipambibili ng Airport Runway Lighting System(ARLS) para makalapag ang mga eroplano sa gabi sa kanilang paliparan.

Sabi ni Lapid, chairman ng Senate Committee on Tourism, na malaki ang maitutulong ng nasabing airport sa pag-unlad ng ekonomiya at turismo sa lungsod ng Calbayog.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -