30.9 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Sen Tulfo masaya sa naging aksyon ng PNP sa kanyang mungkahi na magtalaga ng mga pulis sa lahat ng istasyon ng MRT at LRT

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYA si Senator Idol Raffy Tulfo sa pag-aksyon ng Philippine National Police sa kanyang mungkahi na magtalaga ng PNP uniformed personnel sa lahat ng istasyon ng MRT at LRT partikular na sa loob ng mga tren.

Matatandaan na nagpadala ng liham sa PNP at NCRPO noong July 1 si Sen. Tulfo na kung saan umapela siya na dapat maging bahagi ng responsibilidad ng kapulisan ang pagsakay sa mga tren upang mabilis at madali silang makaresponde sa anumang krimen o sakuna.

Sa ginawang pagbisita ng RTIA team ngayong linggo sa ilang mga istasyon ng MRT at LRT, kapansin-pansin na malaki na ang pinagbago sa ating transit system dahil mayroon nang sapat na police visibility doon, kasama pa ang kawani ng Philippine Coast Guard.

 

Maliban dito, kamakailan ay nagsagawa rin ng on-site inspection ang NCRPO sa mga train stations kaugnay ng dumaraming kaso ng nakawan at sexual harassment na isiniwalat ni Sen. Idol sa kanyang liham. Ayon sa paunang ulat, ang bilang ng pulis na naitalaga sa loob at labas ng istasyon ng tren ay nasa 800.

Patuloy pa ring imomonitor ni Sen. Idol ang pagbabagong ito para masiguro na tuloy-tuloy ang compliance ng PNP sa kanyang iminungkahi. Mula sa Facebook page ni Sen Raffy Tulfo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -