BINIGYANG-PUGAY ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga reporma sa PNP at ang mga tagumpay ng kapulisan sa pagsiguro na makatao at “bloodless” ang kanilang mga operasyon.
Sa 123rd Police Service Anniversary sa Quezon City, kinilala ni PBBM ang pinalakas na pagpapatrolya at dagdag na police deployment na nakatulong sa pagpapababa ng kaso ng krimen, partikular na sa mga high-crime areas. Hinimok din niya ang mga ito na patuloy na pagbutihin ang tiwala ng publiko sa kanilang kakayahan at serbisyo.