NAGPAKITA ng pagkabahala si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa lumulubong recruit na mga estudyante upang maging terorista kung kaya’t sa kanyang pambungad na pananalita sa isinagawang hearing ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs, ito ang bahagi ng kanyang pahayag.
“And so today, we continue our discussion to understand and expose the schemes of terrorist groups, specifically the CPP-NPA-NDF. We press on to unmask their modus operandi in exploiting student rights and welfare and how they use as a shield the constitutionally enshrined academic freedom to radicalize and recruit students and teachers.
“Kung inyong matatandaan, noong nauna nating pagdinig, naglakas loob sina Ivylyn Corpin, Kate Raca, Arian Ramos, at Daniel Castillo – mga former rebel – para mailahad ang kanilang mga naging malagim na karanasan. Karanasan kung paano sila ni-recruit sa loob mismo ng kanilang mga pamantasan. Some in the guise of a legitimate student organization o di kaya ng kanilang mga university professors, into the CPP-NPA-NDF terrorist group.
Upang matigil na ang ganitong ilegal na recruitment at masiguro ang kaligtasan ng ating mga estudyante sa loob ng mga pamantasan, kailangan nating matukoy ano ang kakulangan o kalabisan sa mga polisiya na nagbibigay daan para gawing radikal ang mga inosenteng estudyante.
Sa ganitong paraan, matutulungan natin ang ating Armed Forces of the Philippines sa kanilang efforts para tuluyan nang ma-neutralize ang teroristang grupo at makapagbigay katiwasayan sa bansa. Ngunit higit na mahalaga, ay mabigyan natin ng kapanatagan ng loob ang mga magulang na mananatiling ligtas at malayo sa mga teroristang grupo ang ating mga anak na ipinagkatiwala sa mga eskwelahan at pamantasan.
Palagi po nating tandaan na ang laban natin sa radikalisasyon ay hindi lamang isang usapin ng seguridad; ito ay isang moral imperative. By standing together, we can build a safer, more inclusive, and more hopeful world for our youth.”