25.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Ano nga ba ang pagkakaiba ng ordinansa at resolusyon?

- Advertisement -
- Advertisement -

UPANG maunawaan ng mga mamamayan ang mga terminolohiya ng mga batas, mayroong pitak ang Department of Interior and Local Government sa kanilang Facebook na tinatawag na Tanong ng Bayan. Para sa isyung ito, tinalakay ang pagkakaiba ng ordinansa at resolusyon.

Ang ordinansa ay isang uri ng batas, samantalang ang resolusyon ay isang deklarasyon ng damdamin o opinyon ng isang miyembro o lupon ng sanggunian sa isang partikular na bagay.

Ang isang ordinansa ay nagtataglay ng pangkalahatan at permanenteng katangian, ngunit ang isang resolution ay pansamantala lamang. Bukod pa rito, magkaiba ang pagsasabatas sa dalawa – kailangan ang ikatlong pagbasa para sa isang ordinansa, ngunit hindi na kinakailangan para sa isang resolusyon, maliban kung iba ang desisyon ng mayorya ng lahat ng miyembro ng Sanggunian.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -