IBINALITA ni Senador Risa Hontiveros na nakipagpulong siya sa mga executives ng Philippine Coast Guard sa pangunguna ni Capt. Tanseco, para matalakay ang Coast Guard Bill.
Sabi ni Sen Hontiveros, “Sa dami ng obligasyon ng ating Coast Guard, panahon na para mabigyang lakas at suporta ang kanilang trabaho, lalo na ngayong sila ay isa sa pangunahing taga-bantay ng ating karagatan sa West Philippine Sea.
“Salamat po sa napakayamang diskusyon.”