26.5 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

Tulfo, Fluss pinag-usapan ang OFWs, water technology sa Israel

- Advertisement -
- Advertisement -

NAG-COURTESY visit si Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss kay Sen. Idol Raffy Tulfo sa Senado kahapon, July 31.

Sa pagbisita ni Ambassador Fluss, pinuri at pinasalamatan niya ang malasakit at dedikasyon ng mga OFW sa kanilang trabaho sa Israel, na ikina-proud naman ni Sen. Idol.

Isa sa hinangaan ni Ambassador Fluss ay ang kabayanihan ng Pinay caregiver na si Camille Jesalva na nagbuwis-buhay para mailigtas ang 95-anyos niyang pasyente sa pagatake ng Hamas group noong Oktubre 2023. Pinarangalan ng Israel government si Jesalva para sa kanyang heroism ngayong buwan.

Natalakay rin ng dalawa ang teknolohiyang ginagamit ng Israel para matugunan ang pangangailangan sa malinis at maiinom na tubig, na maaari ring i-adopt sa Pilipinas.

Sa kabilang banda, nangako si Sen. Tulfo kay Ambassador Fluss na susuportahan ang panukalang batas sa Senado na nagtatalaga sa August 9 bilang Philippine-Israel Friendship Day.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -