27.9 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 22, 2024

Sen. Robin, ipaglalaban ang mas malaking 2025 budget para sa PH Embassy sa Czech Republic

- Advertisement -
- Advertisement -

UPANG matiyak na handa ang Philippine embassy na tugunan ang pangangailangan ng 10,000 Pilipinong manggagawang inaasahang pumasok sa Czech Republic bawa’t taon, ipaglalaban ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla ang mas malaking budget para sa embahada para sa 2025.

Bumisita si Sen. Robinhood “Robin” Padilla sa Czech Republic mula Hulyo 6 to 14. Nakipagkita siya kay Philippine ambassador Eduardo Martin Meñez at staff Philippine Embassy, na sinigurado sa kanya na pinangangalagaan nila ang may ,000 Filipino sa Czech Republic.

Tiniyak ito ni Padilla Sabado ng gabi, sa Post-Arrival Orientation Seminar and Consular Outreach para sa overseas Filipino workers sa Imperial Hotel Ostrava, kung saang pinuri rin niya ang “equal pay policy” ng pamahalaan ng Czech Republic.

“Pagdating sa budget, hindi ko kayo kokontrahin… baka hingin pa natin na tumaas,” aniya.

Matapos ang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa Czech Republic noong Marso, nagkaroon ng kasunduan na magpapahintulot sa pagpasok ng mahigit na 10,000 Pilipinong manggagawa sa Czech Republic kada taon.

Sa kasalukuyan ay may 7,000 manggagawang Pilipino na maaaring makinabang sa “equal pay” sa Czech Republic.

“Siyempre makakausap natin ang embassy natin, kung pupunta dito 10,000 (na manggagawa), mas marami dapat sa embassy. Dapat magdagdag ang DFA ng tao dito,” ani Padilla.

Pinasaya rin ni Padilla ang mga OFW sa kanyang pagkanta ng “Kumusta Ka” ni Freddie Aguilar; “Wonderful Tonight” ni Eric Clapton; at “Can’t Help Falling In Love” ni Elvis Presley.

Samantala, pinuri ni Padilla ang matatag at malalim na ugnayan ng Pilipinas at ng Czech Republic, at umaasa siyang patuloy na lalago ang pagkakaibigan na ito.

Ani Padilla, na bumisita sa Czech Republic upang masdan ang pag-regulate ng medical cannabis, bagama’t nagsimula ang diplomatic ties noong ika-5 ng Oktubre, 1973, ang pagkakaibigan nila ay nagsimula noon pang ika-19 siglo.

“The Philippines commits to further deepening its relationship by fostering economic cooperation, cultural exchanges, and strategic partnerships with the Czech Republic,” ani Padilla sa resolusyon “expressing the sense of the Senate” na kinikilala ang malalim at matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa. Inaasahang ihahain ang resolusyon sa darating na linggo.

Ani Padilla, sa Litomerice — isang  bayan na noo’y bahagi ng Austria at Czechoslovakia — na  nagsimula ang pagkakaibigan ng pambansang bayani Dr. Jose Rizal at ang schoolmaster na si Ferdinand Blumentritt.

Dagdag niya, malaki ang naiambag ni Blumentritt sa rebolusyon ng Pilipino laban sa mga Kastila, sa pamamagitan ng paghikayat at pag-ambag ng pera para sa paglathala ng “Noli Me Tangere” ni Rizal, na naging mitsa ng kilusan ng mga Pilipino tungo sa kalayaan.

“For over 50 years, the relationship between the Filipinos and the Czechs has only grown stronger and went beyond the recorded ties between two historical figures,” ani Padilla.

Iginiit din ni Padilla na may 7,026 Pilipino sa Czech Republic na nagtatrabaho sa the processing industry, automotive, repair of appliances, manufacturing, IT communications, real estate, health or wellness, at household service work.

Noong state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Czech Republic noong Marso, naging saksi ang pinuno ng dalawang bansa ang paglagda ng joint communique para sa labor consultation mechanism; at paglagda ng memorandums of understanding ng malalaking negosyante ng dalawang bansa para isulong ang kalakalan at pamumuhunan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -