NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senator Risa Hontiverosa sa ginanap na hearing kahapon, Hulyo 10, 2024 ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at pagkakasangkot diumano ni Bamban Mayor Alice Leal Guo.
Dear friends, fellow workers in government, mga kaibigan, magandang araw po.
Noong nakaraang linggo po lumantad po ang totoo pagkakakilanlan kay Alice Guo. Salamat sa NBI, wala na pong duda sa ating kaisipan na siya si Guo Hua Ping, ang isang Chinese citizen na pumunta sa Pilipinas ng murang gulang.
I know that the Office of the Solicitor General has filed the petition for cancellation of Mayor Guo’s certificate of live birth sa RTC ng Tarlac noong nakaraang Biyernes. Alam ko hinahanda na din nila ang petition for quo warranto na magpapatanggal sa kanya sa kanyang pwesto bilang Mayor.
Sana maging malinaw ang mensaheng ito:
Ang Filipino citizenship ay hindi parang kendi na ipinamimigay. Filipino citizenship is not for sale.
At kung ginamit mo pa ang pekeng pagka-Pilipino mo para tumakbo sa anumang pwesto, kung ginamit mo ito para tumulong magpalaganap ng krimen gaya ng money laundering, human trafficking, o magtrabaho kontra sa pambansang seguridad, dekada man ang lumipas, dadating ang araw ng pagtutuos.
You took advantage of our brittle regulatory system. Our system may be brittle, but it is not broken. Sisingilin ka. Sinisingil ng sambayanan si Mayor Guo.
There are many questions yet unanswered.
Sino si Miss Alice Leal Guo, tubong Tarlac, na pinanganak sa parehong araw ng kapanganakan ni Mayor Alice Leal Guo? Nasaan na siya?
Ano ang dahilan bakit pinuslit si Guo Hua Ping dito? At sino ang mastermind? Yung kanyang Tatay nga kaya na ayon sa pananaliksik ay ‘di umanong involved sa United Front activities ng Communist Party of China?
Saan siya humugot ng lakas ng loob na tumakbong Mayor? O ito na ba ang plano mula sa simula?
Is she working with Chinese triads? With the Chinese government? Or both? Sabi nila hindi daw pwede both, pero ito nga nakita natin sa isang article sa Washington Post, the Communist Party of China has a history of using criminal syndicate families when it suits them.
But the question we want to answer here today, and perhaps the question we are capable of answering: Who are enabling her and these POGOs? Are there protectors within our government? Bakit tayo umabot sa ganito?
Mula sa website ng Senate of the Philippines