25.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Pangandaman, magsasalita sa harap ng higit 1,700 graduates ng MSU – ITT sa Iligan City

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKATAKDANG maging panauhing tagapagsalita si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Panganaman sa gaganaping 54th commencement ceremonies ng Mindanao State University – Iligan Institute of Technology ( MSU – IIT) sa Iligan City,  Lanao del Norte sa July 8, 2024, Lunes.

Magsasalita  si Secretary Mina sa harap ng 1,797 graduates ng nasabing unibersidad, kabilang ang 1,335 na makatatanggap ng Latin honors: 71 Summa Cum Laude, 667 Magna Cum Laude; at 597 Cum Laude.

Si Sec. Mina ang kaunaunahang Muslim Secretary ng DBM at nag-iisang babaeng kasama sa economic team ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Magmumula ang mga magsisipagtapos sa mga kurso na inaalok ng walong kolehiyo ng MSU, kabilang ang sumusunod: Computer Studies, College of Arts and Sciences, School of Interdisciplinary Studies, College of Economics, Business and Accountancy, College of Nursing, College of Engineering, College of Science and Mathematics, and College of Education.

Ang MSU-IIT ay binubuo ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kultura at relihiyon sa Mindanao at buong bansa.

Makakasama ni Sec. Mina sina DBM Undersecretaries Wilford Will Wong at Goddes Hope Libiran.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -