“Nakakapagpataba ng puso ito para sa kasundaluhan natin dito sa Pilipinas.”
Ito ang naging pahayag ni Commodore Jay Tarriela, ang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa West Philippine Sea (WPS), sa pagsali ng libo-libong Pilipino sa ginanap na Takbo Para sa WPS nitong Linggo, Hulyo 7.
Nagtipon-tipon ang mga kalahok mula sa iba’t ibang sulok ng bansa para sa Takbo Para sa WPS, para sa isang makasaysayang kaganapan na naglalayong magbigay-suporta at pagkakaisa para sa West Philippine Sea.
Kabilang sa mga lumahok ay ang mga kinatawan mula sa Philippine Information Agency (PIA) na pinangunahan ni Director-General Jose Torres Jr.
Ang bawat hakbang ng mga tumakbo ay sumasalamin sa kanilang dedikasyon at pagmamahal sa bayan. Ang araw na ito ay hindi lamang naging tagumpay sa larangan ng palakasan kundi pati na rin sa pagpapalaganap ng kamalayan at pagkakaisa sa mahalagang usapin ng ating teritoryo. Philippine Information Agency