26.8 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Current account report ng BSP na nagpapakita ng income earnings ng mga Filipino sa ibang bansa

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

KAHIT bumulusok ang pagpasok ng dayuhang puhunan noong 2023 at unang quarter ng 2024, hindi natinag ang lakas ng balance-of-payments (BOP) ng Pilipinas. Nagkaroon pa rin ng surplus ang BOP at umakyat pa rin ang Gross International Reserves (GIR). Ano-ano ang nag-ambag sa developments na ito?

Noong unang quarter ng 2024, nagkaroon ng BOP surplus ang bansa na umabot sa $237 milyon. Mas mababa man ito kaysa ang surplus na $3.453 bilyon noong nakaraang taon, ang nakamit na surplus ay indikasyon na malakas ang pundasyon ng ekonomiya at hindi inalintana ng bansa ang mga pagyanig sa world economy gaya ng pagtaas ng interest ng pautang, ang pag-akyat ng presyo ng maraming produktong kinabibilangan ng petrolyo at bigas, at ang pagdalang ng pagpasok ng dayuhang puhunan.

Sinabayan nito ang pagbagsak ng current account deficit mula $4.4 bilyon noong nakaraang taon sa $1.7 bilyon ngayong taon. (Table 1) Ang current account deficit ay minamaneho ng mga ekonomiya at pinapababa kapag may economic shocks sa world economy. Kapag mataas ang interest rates at naglilipatan ang mga dayuhang kapital pabalik sa kanilang mother countries, binabawasan ng mga host economies ang mga proyektong itinagayugod para hintayin ng mas magandang panahon dahil naaapektuhan ang economic internal rates of return (EIRR) ng mga proyekto.

Ano ang kahulugan ng balanse sa current account? Kapag may depisit ang current account balance, ang isang bansa ay net debtor o gumagamit ng savings ng mga ibang bansa. Kapag may surplus naman ito, ang bansa ay net lender o naglalagak ng savings sa ibang bansa. May depisit ang current account ng Pilipinas mula pa noong 2017 dahil sa palisiya na pataasin ang pamumuhunan sa ekonomiya at pagandahin ang inprastruktura para mapataas ang GDP growth nang pangmatagalan.

Ngunit kailangang imaneho ng pamahalaan ang balanse sa current account para sa patuloy na economic stability. Kung umaabot sa 5% ng GDP ang depisit sa current account nang pangmatagalan, maaaring makararanas ang bansa ng kahirapan kapag may nangyaring external shocks na gaya ng nangyayari ngayon. Noong 1984 at 1985, dahil sa pagsiklab ng tequila crisis na nagpataas ng interest rates sa buong daigdig, bumagsak ang GDP growth sa Pilipinas ng kumulatibong 15% at nawalan ng hanapbuhay ang lagpas sa isang milyong mamamayan.


Ngunit ngayon, dahil sa malakas na macroeconomic fundamentals ng bansa,  patuloy ang pagdaloy ng foreign exchange receipts kaysa foreign exchange payments sa harap ng mga negatibong salik. Ang ibig sabihin ay malakas ang kumpiyansa ng mga namumuhunan.

Saan nanggaling ang mga foreign exchange receipts na ito?

Una, bumaba ang depisit sa trade in goods sa $14.7 bilyon mula $17.2 bilyon. Maliksi ang pag-akyat ng exports of goods na lumago ng 10.3% noong unang quarter kaysa sa imports of goods na bumagsak ng 4.1%.

Ikalawa,  lumakas ang exports of services mula $11.7 bilyon noong nakaraang taon sa $12.3 bilyon ngayong unang quarter, 12.6% na paglago. Kasama rito ang turismo kung saan lumago ang tourism revenues mula $2.2 bilyon sa $2.9 bilyon noong 2024, 33.2% na pag-akyat. Dahil sa pagkawala ng pandemya, nagsimula nang bumalik ang mga turista sa bansa.

- Advertisement -

Kasama rin dito ang mga tinatawag na information technology (IT)-enabled services gaya ng call centers, data storage and accounting services, animation, at transcription and translation services. Ang mga IT-enabled services ay lumago mula $1.7 bilyon sa $1.8 bilyon, 4.2% na pagtaas.

Isa pang kategorya ng exports of services na nagpakita ng maliksing paglago ay ang passenger, freight and other transport na lumaki mula US$0.7 bilyon sa $1.1 bilyon, 51.5% na paglakas. Ang services na ito ay ibinibigay ng mga airlines at barko. Bumabalik na ang mga turista at cruise ships at sumisigla na ang pandaigdigang kalakalan.

Ikatlo, lumakas ang income inflows galing sa overseas Filipino workers (OFWs) at Pilipinong namumuhunan sa labas ng bansa. Tinatayang 2.33 milyong Pilipinong manggagawa ang na-deploy at bumalik sa kanilang trabaho sa labas ng bansa noong 2023. Patuloy ang pagtaas ng secondary income receipts o ang overseas Filipino workers’ (OFW) remittances. Lumago ito nang bahagya mula $7.7 bilyon sa $7.8 bilyon. Nagsimula nang bumalik sa dati ang volume ng mga OFW remittances.

Rumatsada rin ang primary income receipts na kasama ang kita galing sa iba’t ibang bansa ng mga investments abroad ng mga Pilipinong namumuhunan. Lumago ito mula sa $3.8 bilyon sa $4.2 bilyon, 10.3% na paglago. Ayon sa report ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong Setyembre 2023, $80.7 bilyon na halaga ng assets ng mga Pilipinong namumuhunan ang nakalagay sa investments sa labas ng bansa. Ang mga assets na ito ay kumikita ng dibidendo at interest.

Sa kabilang dako, humina ang imports of goods mula $29.9 bilyon sa $28.7 bilyon, 4.3% na pagbagsak. Lahat na kategorya ng imports ay lumagapak dahil sa pagtaas ng presyo at paghina ng GDP growth. Ang pinakamalaking paghina ay nasa telecom equipment at electrical machinery na lumagapak ng $0.7 bilyon kumpara sa nakaraang taon. Ganoon din ang mineral fuels and lubricants na bumagsak ng $0.5 bilyon, electronics components na nabawasan ng $0.3 bilyon, transport equipment, 0.2 $ bilyon at power generating equipment and specialized office equipment gaya ng computers, na dumausdos ng $0.1bilyon.

Kabaligtaran sa imports of goods, tumaas ang imports of services mula $6.6 bilyon sa $8.8 bilyon, 33.0% na paglago. Umakyat ang mga bayarin sa services ng foreign airlines at shipping lines. Ganoon din ang papalabas na turismo. Ngunit sa pangkalahatan, ang depisit sa trade in goods at services ay bumaba dahil sa pagratsada ng exports of goods.

- Advertisement -

Ang primary income outflows ay tumaas mula $8.1 bilyon sa $9.0 bilyon,33.0% na pag-akyat. Lumobo ang mga palabas na bayarin sa dibidendo ng mga dayuhang namumuhunan sa Pilipinas  at ang mga interest payments sa kanilang mga pautang.

Ngunit ng secondary outflows ay humina dahil tumigil ang pagdami ng foreign expatriates na kasama ng mga foreign direct investments na bumaba noong panahon ng pandemya. Bumagsak ang secondary outflows mula $276 milyon sa $239 milyon, 13.4% na pagdausdos.

Ang mga ito ang dahilan kung bakit sa huling araw ng Mayo 2024, namayagpag ang Gross International Reserves (GIR) sa $104.5 bilyon mula $102.7 bilyon noong huling araw ng Mayo 2023. Ang halagang ito ay kasya sa 7.7 buwan na imports ng goods at services, lagpas sa minimum standard na 2-3 buwan at mas mataas kaysa sa 7.4 na buwan noong nakaraang taon.

Ang pagkakaroon ng BOP surplus at tumataas na GIR sa harap ng mga pagyanig sa world economy ang nagpapalakas sa credit rating ng bansa. Kahit na humina ang ating GDP growth rate nang bahagya kumpara noong 2022, kaakit-akit pa rin ang Pilipinas bilang lokasyon ng kalakal. Isang halimbawa ay ang pagbalik-sigla ng foreign direct investment (FDI) na umakyat ng 42.1% sa $3 bilyon noong  unang quarter ng 2024.

 

Table 1. OVERALL BALANCE OF PAYMENTS ACCOUNT                       First Quarter
2022 2023 2024 Growth (%)
24 vs. 23
OVERALL BALANCE OF PAYMENTS (US$M) 495 3,453 237 -93.1%
OVERALL BALANCEOF PAYMENTS  (% OF GDP) 0.52% 3.37% 0.23%
I. CURRENT ACCOUNT
CURRENT ACCOUNT BALANCE (US$M)         -4,146             -4,439 – 1,749 -60.6%
CURRENT ACCOUNT BALANCE (% OF GDP) -4.34% -4.34% -1.71%
EXPORTS 27,853 35,508 38,827 9.3%
IMPORTS 39,670 39,947 40,576 1.6%
A. TRADE IN GOODS & SERVICES BALANCE
TRADE IN GOODS & SERVICES BALANCES, US$M –      12,553 –      12,495 –      10,723 -14.2%
% OF GDP -3.11% -2.86% -2.45%
TRADE IN GOODS, BALANCE (US$M) –      15,771 –      17,192 –      14,661 -14.7%
TRADE IN GOODS, BALANCE (% of GDP) -16.50% -14.32% -13.43%
EXPORTS 14,192 12,729 14,041 10.3%
IMPORTS 29,963 29,921 28,702 -4.1%
TRADE IN SERVICES, BALANCE (US$M) 3,218 4,697 3,938 -16.2%
TRADE IN SERVICES, BALANCE (% of GDP) 0.80% 1.07% 0.77%
EXPORTS 8,694 11,306 12,727 12.6%
IMPORTS 5,476 6,609 8,789 33.0%
B. INCOME BALANCE
TOTAL INCOME 8,409 8,056 8,975 11.4%
PRIMARY INCOME, BALANCE (US$M) 1,130 677 1,368 102.1%
PRIMARY INCOME, BALANCE (% of GDP) 0.28% 0.15% 0.31%
RECEIPTS 2,898 3,817 4,212 10.3%
PAYMENTS 1,768 3,140 2,844 -9.4%
SECONDARY INCOME BALANCE (US$M) 7,279 7,379 7,607 3.1%
SECONDARY INCOME, BALANCE (% of GDP) 1.80% 1.69% 1.49%
RECEIPTS 7,510 7,655 7,846 2.5%
PAYMENTS 231 276 239 -13.4%
 
Source: Bangko Sentral ng Pilipinas

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -