KINILALA at ginawaran ng parangal ng Office of the Vice President (OVP) ang mga institusyon, grupo, at indibidwal na naging partners sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto nito nitong June 29, sa Radisson Blu Hotel, Cebu City.
Mahigit 1,000 partners mula sa pribadong sektor, ahensya ng gobyerno, at key persons mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa ang binigyan ng pagkilala ng OVP.
Sa kanyang talumpati, taos pusong pinasalamatan ni Vice President Sara “Inday” Duterte ang mga awardees para sa kanilang dedikasyon sa serbisyo publiko upang mai-angat ang buhay ng sambayanang Pilipino.
“We are given the opportunity to serve the people and become institutions that would help restore the people’s trust in our government through effective, relevant, and timely public service,” sabi ni VP Inday.
Ang pagdaraos ng Pasidungog ay bahagi ng vision ng OVP na maging isang dinamikong partner institution para sa nation-building na nakapagbibigay ng pangmatagalang epekto sa bawat Pilipino.
Hangad ng OVP na salubungin ang panibagong yugto ng kolaborasyon ng mga partner institutions nito na may nag-aalab na pagsisikap at pag-asa para sa mga Pilipino at para sa Pilipinas. Mula sa Facebook page ng Office of the Vice President of the Philippines