29.6 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Mga magsasaka, mangingisda, at kanilang mga pamilya tumanggap ng tulong mula sa pamahalaan

- Advertisement -
- Advertisement -

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga magsasaka, mangingisda, at kanilang mga pamilya sa Bacolod City, Negros Occidental na ang gobyerno ay nakasuporta sa gitna ng mga hamon tulad ng kamakailang pagputok ng Bulkang Kanlaon at sa epekto ng El Niño.

Inanunsyo rin ni PBBM ang iba’t ibang tulong, kabilang ang financial aid, agricultural support, at infrastructure projects na naglalayong mapabuti ang kabuhayan at katatagan ng ekonomiya ng mga apektadong komunidad.

Sa kabilang banda, patuloy ang pamamahagi ni Pangulong Marcos Jr. ng presidential assistance sa kanyang pagbisita sa San Jose de Buenavista, Antique upang iabot ang tulong pinansyal at livelihood grants sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño.

Kasama sa distribusyon ang pamamahagi ng makinarya, binhi, bio-fertilizers, at iba pang tulong para mapabuti ang sektor ng agrikultura, at masuportahan ang produksyon ng pagkain sa rehiyon.

Narito ang mga ipinamahagi ng Pangulo

– P10,000 bawat isa sa 10 banapesyaryo mula Negros Oriental;

– P10,000 bawat isa sa 10 banapesyaryo mula Siquijor;

– P50 milyon para sa Provincial Government ng Negros Oriental at;

– P25,440,000 para sa Provincial Government of Siquijor.

Dagdag pa rito, nagbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P10,000 sa mga napiling benepesyaryo samantalang nagbigay din  ang  Office of House Speaker Ferdinand Martin Romualdez distributes tig-limang kilo ng bigas sa lahat ng mga dumalo.

 

Pangungunahan din ni Pangulong Marcos Jr. ang pamamahagi ng presidential assistance sa mga magsasaka, mangingisda, at pamilya na naapektuhan ng El Niño sa Lungsod ng Bacolod City, Negros Occidental nitong ika-27 ng Hunyo 2024.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -