29.6 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Revilla: 30-araw na toll suspension sa Cavitex, tulong sa bawat motorista 

- Advertisement -
- Advertisement -

HINILING ni Senator Ramon Bong Revilla Jr. nitong Martes sa  Toll Regulatory Board (TRB) ang pagpapabilis ng paglalabas ng pormal na resolusyon na simulan na ang implementasyon ng 30-araw na toll holiday sa ilang bahagi ng Cavitex.

Nagpasalamat din siya kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at sa Philippine Reclamation Authority, sa 30-araw na toll suspension sa ilang parte ng Cavitex.

“Malaking tipid ito para sa lahat ng motorista, lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng krudo,” sabi ni Revilla.

Nitong Hunyo 21, 2024, sa ginanap na Cavitex event, ideneklara ni Pangulong Marcos Jr ang isasagawa ng PRA (operator ng Cavitex) na pagsuspinde ang koleksyon ng toll sa ilang bahagi ng expressway.

“Ang toll holiday na ito ay malaking bagay para mabawasan ang gastos ng mga motorista. Kaya sana ay huwag nang patagalin dahil inaasahan nila to. Bilisan na dapat ng TRB ang paglabas ng resolusyon para mapakinabangan na ng ating mga kababayan ang libreng daan sa mga parte ng Cavitex”, dagdag pa niya.

Ang PRA, bilang operator ng Cavitex, ay magpapatupad ng toll holiday sa Taguig, Parañaque, Las Piñas, at Kawit.

“We are really entering a golden age of infrastructure development! Dito pa lang sa Cavite, ramdam na ramdam na ang mga makakabuluhang proyekto ng pamahalaan na paniguradong maghahatid ng malaking benepisyo sa ating mga kababayan,” sabi ng chairperson ng Senate Committee on Public Works.

“Ngayon pa lang ay hihingin na natin ang pangunawa ng publiko sa posibleng dulot ng construction ng mga daan na ito. Rest assured that we will remind the DPWH and the contractors to be efficient and timely in delivering results. Excited na po ako sa mga development na ito kaya sama-sama po tayong sumuporta dito!,” pagtatapos niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -