32.8 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Muntinlupa, nanguna sa 2022 Seal of Child-Friendly Local Governance sa NCR

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKAMIT ng Muntinlupa ang pinakamataas na puntos sa mga lungsod sa Metro Manila na ginawaran ng 2022 Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG).

Ayon sa datos mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), ginawaran ang Muntinlupa ng 97 percent dahil sa mahusay at epektibo nitong mga programa para sa mga kabataan.

Taon-taong isinasagawa ang Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) sa mga lungsod at munisipalidad upang i-assess ang kanilang Local Council for the Protection of Children (LCPC).

Mula 2015, ang Lungsod ng Muntinlupa ay nakatatanggap ng mataas na marka sa CFLGA, na siyang patunay ng dedikasyon nito sa pagpapanatili ng isang ligtas na kapaligiran para sa mga bata.

Pinasasalamatan ni Mayor Ruffy Biazon ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod at mga Muntinlupeño para sa tagumpay na ito. “Ang Muntinlupa ay nakatatanggap ng magandang rating sa CFLGA mula 2015, kaya masasabi nating bihasa na ang lungsod pagdating sa Child-Friendly Local Governance. Para sa lahat ng kawani ng Pamahalaang Lungsod na nagtrabaho para makamit ang SCFLG, congratulations and thank you very much. Para sa ating kababayan, maraming salamat din sa inyong suporta,” aniya.

Kasunod ng Muntinlupa sa ranking ang Quezon City, 96 percent; Mandaluyong, 96 percent; Taguig, 86.89 percent; San Juan, 86.81 percent; Pasay, 85.38 percent; and Caloocan, 84.03 percent.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -