26.5 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Gatchalian: Protektahan ang mga guro laban sa ‘utang tagging’

- Advertisement -
- Advertisement -

Kinondena ni Senador Win Gatchalian ang nakagawiang “utang tagging,” kung saan ang mga propesyonal na may nakabinbing administrative cases, kabilang na ang mga guro, ay hindi nakakapag-renew ng kanilang mga lisensya sa Professional Regulation Commission (PRC).

Bagama’t sinuspinde na ng PRC ang naturang polisiya, binigyang diin ni Gatchalian na kinakailangang protektahan ang mga guro sa pang-aabusong may kinalaman sa pangongolekta ng bayad sa utang. Kinastigo ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education kung paano tila naging hostage ang lisensya ng mga guro dahil hindi sila makapagbayad ng kanilang mga utang.

“Hindi natin dapat iniipit ang lisensya ng ating mga guro dahil sa kanilang pagkakautang. Ang ganitong klase ng panggigipit at pang-aabuso sa ating mga guro ay hindi dapat natin pinalalagpas. Tungkulin nating protektahan at itaguyod ang kapakanan ng mga guro na marami nang isinasakripisyo para sa pagpapatuloy ng edukasyon,” ani Gatchalian.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Representative France Castro, maaaring ang mga loan sharks na may koneksyon sa PRC ang nasa likod ng ‘utang tagging.’ Ayon pa sa mambabatas, ang mga apektadong mga guro ay may mga loan mula sa mga lending schemes na naniningil ng sobrang taas na interes ngunit hindi naman accredited ng Department of Education (DepEd).

Iginiit naman ni Gatchalian ang kahalagahang maipasa ang Senate Bill No. 818 o ang Fair Debt Collection Practices Act. Sa ilalim ng panukalang batas, ang maniningil ng utang ay hindi maaaring mang-harass o mang-abuso ng sino mang may utang pagdating sa paniningil. Ang paggamit ng karahasan o anumang uri ng pagbabanta, pagsasapubliko ng pangalan at iba pang impormasyon, at paggamit ng mga mapanirang-puring salita ay ilan lamang sa mga bagay na ipinagbabawal sa panukalang batas ni Gatchalian.

Ayon pa sa panukalang batas, ang kolektor ay hindi maaaring gumamit ng peke at mapanlinlang na pamamaraan ng paniningil. Ipinagbabawal din ang mga malulupit at hindi makataong pamamaraan ng paniningil.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -