30.9 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Pangandaman, inaprubahan ang pagpapalabas ng P1 Bilyong pondo para sa mga proyektong WaSH ng mga kwalipikadong munisipyo sa bansa

- Advertisement -
- Advertisement -
INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order at Notices of Cash Allocation na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P1 bilyon na kukunin mula sa Local Government Support Fund – Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting (LGSF-SAFPB) sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act o Republic Act No. 11975.
Layon ng pondo na suportahan ang pagtatayo, pagpapalawak, at pag-upgrade ng mga proyektong water, sanitationi, at hygiene (WaSH) na tinukoy sa pamamagitan ng proseso ng local participatory budgeting. Layunin nitong pabilisin ang access sa ligtas at resilient water supply at sanitation services sa mga nahuhuling munisipalidad, sa pakikipagtulungan ng local civil society organizations (CSOs).
Sakop ng Programa ang 75 benepisyaryo ng municipal local government units (MLGU) sa buong bansa na kabilang mula sa 4th hanggang 6th income classes batay sa Department of Finance Order No. 23-08 na may petsang Hulyo 29, 2008, na in-update noong Abril 27, 2016, at/o may itinatag na LGU-managed water utility at project ready  (may Municipal Water Supply Sanitation and Hygiene Master Plan na dumaan sa tamang proseso ng pag-endorso ng accredited CSO at tinanggap ng LGU, at may natukoy posibleng pagkukunan ng tubig).
Alinsunod sa DBM – Department of the Interior and Local Government (DILG) Joint Memorandum Circular No. 1 na may petsang Pebrero 21, 2024, na nagtatakda ng mga alituntunin at pamamaraan sa pagpapatupad ng LGSF-SAFPB, pinagsama-sama at inendorso ng DILG ang listahan ng mga eligible at compliant projects sa DBM para sa pagpapalabas ng pondo.
Ang pangakong ito ng National Government na mag-ambag sa pagkamit ng Sustainable Development Goal No. 6 (Siguruhin ang availability at sustainable management ng tubig at sanitasyon para sa lahat), pati na rin ang pagpapalawak at pag-upgrade ng imprastraktura sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028, ay isinasagawa upang pangunahan ang pang-ekonomiya at panlipunang pagbabago na itinatayo sa sustainable, matatag, at integrated na sistema ng imprastraktura ng water resource bilang matibay na pundasyon.
By supporting the implementation of priority projects of LGUs, we invest in the growth and well-being of our local communities. It’s our commitment to progress and prosperity,” pahayag ni Sec. Pangandaman.
And as we release the funds to empower our local communities, we echo the vision of Bagong Pilipinas—a rallying cry for progress, resilience, and a brighter future espoused by President Ferdinand R. Marcos Jr.,” dagdag pa niya.
Inaprubahan ni Secretary Pangandaman ang paglabas ng mga pondong kukunin sa FY 2024 LGSF-SAFPB nitong ika- 07 ng Hunyo 2024.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -