TUMAAS nang bahagya ang GDP growth rate sa 5.75% noong unang quarter ng 2024 ngunit sa kabuuan, nawalan ng trabaho ang 100 libong Pilipino noong unang apat na buwan. Bakit? Taliwas sa inaasahan, patuloy ang pagbaba ng unemployment rate kahit maraming nawalan ng trabaho. Ano ang dahilan nito?
Pagkatapos lumikha ang ekonomiya ng halos 3 milyong trabaho noong 2023, nawalan ng trabaho ang 100 libong Pilipino noong unang apat na buwan ng 2024. (Table 1) Karamihan sa mga nawalang trabaho ay nasa agrikultura. Nawalan ng mga Pilipinong magsasaka ng 1.02 milyong trabaho. Ang dahilan ay ang paghaplit ng El Niño sa maraming lugar–41 na probinsiya at 276 na siyudad at bayan na nagdeklara ng state ol calamity. Nawalan ng tubig ang 163,694 ektarya na sakahan at nasira ang P9.5 bilyong ani dahil sa El Niño, sabi ng report ng Department of Agriculture (DA) noong ikatlong linggo ng Mayo. Sa kabuuan, P4.6 bilyon ang nasira sa palay, P3.1 bilyon sa mais, at P1.8 bilyon sa iba’t ibang gulay at prutas.
Sa kabilang dako, sinalo ng industriya ang 590 libong nawalan ng trabaho. Sinalo rin ng services sector ang 330 libong katao. Mabuti na lang at lumago ang industriya ng 5.1% noong unang quarter dahil sa 7.0% na panumbalik ng construction at 4.8% na paglaki ng manufacturing na natulungan ng paglago ng electronics exports sa pandaigdigang merkado. Ang electronics industry ay ang pinakamalaking produktong pang-export ng Pilipinas. Umabot ang electronic exports ng bansa sa US$42.9 bilyon noong 2023, 58.4% ng exports of goods ng bansa. Noong unang apat na buwan ng 2024, lumago ang electronics exports sa US$14.0 bilyon, 17.9% na mas mataas kaysa sa halaga noong nakaraang taon. Isa ang Pilipinas sa mga 10 na pinakamalaking exporters ng semiconductors sa buong mundo. And semiconductor ay karaniwang bahagi ng mga electronic products na siyang nagpapaandar ng mga cellphone, computer, radio, telepono, at iba pang produktong elektroniko.
Ganoon din ang services sector na lumago ng 6.9%. Nagkaroon ng bagong sigla ang turismo, hotel at restawran, at transportation and storage sectors dahil sa pagnormalisa ng estado ng kalusugan pagkatapos ng pandemya. Lumago rin ang information and communications technology (ICT) services at business services na sumasaklaw sa call centers, transcription, animation, at iba pang electronic data services. Ang exports ng services ay rumatsada ng 8.9% noong unang quarter ng taon. Isa ang Pilipinas sa mga bansang pinakamalaking exporter of ICT-enabled services na nagkakahalaga ng US$19.42 bilyon noong 2023 at nagbibigay-trabaho sa 52 libong katao.
Nabawasan ang labor force ng 289 libo dahil sa panumbalik ng mga OFWs sa kanilang mga trabaho sa labas ng bansa. Kasama sa bilang ang nabawas ang mga magsasaka na hindi na nakapagtanim at di na nakahanap ng ibang trabaho. (Table 2)
Umakyat ang may trabahong Pilipino sa 48.36 milyon noong Abril, mula sa 48.06 milyon noong nakaraang taon. Ito ay mas mababa kaysa 50.53 milyon noong Disyembre ngunit mas mataas kaysa noong Hulyo na nagtala ng 44.63 milyon. (Table 3) Bilang bahagdan ng labor force, umakyat ang employment rate sa 96% noong Abril mula sa 95.5% noong nakaraang taon. Mas magandang ihambing ang year-on-year na datos (isang taon na pagitan) dahil maraming seasonal na trabaho lalo na sa agrikultura.
Dahil sa pagbaba ng labor force na bunsod ng OFW deployment, bumagsak ang unemployment rate sa 4.0% noong Abril 2024 mula sa 4.5% noong Abril 2023. Bumaba ang walang trabahong Pilipino sa 2.038 milyon mula sa 2.238 noong nakaraang taon.(Table 3)
Ngunit tumaas ang underemployment rate sa 14.6% noong Abril 2024, ang pinakamataas na antas nito simula noong Oktubre 2022. Maraming manggagawa ang nagnais na maghanap ng trabahong mas akma sa kanilang kakayahan, mas maganda ang kita, at makakapagbigay ng kasiyahan ngunit di nagtagumpay.
Nahirapang maghanap ng trabaho ang maraming Pilipino dahil kakaunti ang mga bagong establisyimiento na itinatayo bunsod ng mataas na interest rates. Bumaba ang paglago ng gross domestic capital formation sa 1.3% noong unang quarter ng 2024 pagkatapos ng tatlong taong paglago ng 13.2% kada taon pagkatapos ng pandemya.
Nagkakarooon ng “wait and see attitude”ang mga namumuhunan dahil naghihintay sila ng mas magandang pagkakataon at pinapalipas lang nila ang masungit na panahon. Karaniwang nangyayari ito kapag mataas ang interest rates, magalaw ang exchange rates, at mahirap tukuyin ang direksyon ng mga presyo.
Table 1. EMPLOYED PERSONS, Millions | CHANGE | ||||||
2022 | 2023 | 2024 | 2023 v. 2022 | 2024 v. 2023 | |||
January | 43.02 | 47.35 | 45.94 | 4.33 | -1.41 | ||
February | 45.48 | 48.80 | 48.95 | 3.32 | 0.15 | ||
March | 46.98 | 48.58 | 49.15 | 1.61 | 0.57 | ||
April | 45.63 | 48.06 | 48.36 | 2.43 | 0.30 | ||
May | 46.08 | 48.26 | 2.18 | ||||
June | 46.59 | 48.84 | 2.25 | ||||
July | 47.39 | 44.63 | -2.76 | ||||
August | 47.87 | 48.07 | 0.20 | ||||
September | 47.58 | 47.67 | 0.09 | ||||
October | 47.11 | 47.80 | 0.69 | ||||
November | 49.71 | 49.64 | -0.07 | ||||
December | 49.00 | 50.53 | 1.52 | ||||
Average | 45.28 | 48.20 | 48.10 | 1.32 | -0.10 | ||
SOURCE: PSA |
Table 2. LABOR FORCE, Millions | ||||||||||||
2022 | 2023 | 2024 | 2023 v. 2022 | 2024 v. 2023 | ||||||||
January | 45.94 | 49.73 | 48.06 | 3.79 | -1.67 | |||||||
February | 48.61 | 51.26 | 50.75 | 2.65 | -0.51 | |||||||
March | 49.85 | 51.03 | 51.15 | 1.18 | 0.12 | |||||||
April | 48.39 | 50.30 | 50.39 | 1.91 | 0.10 | |||||||
May | 49.01 | 50.43 | 1.42 | |||||||||
June | 49.58 | 51.17 | 1.59 | |||||||||
July | 49.99 | 46.91 | – 3.09 | |||||||||
August | 50.55 | 50.29 | – 0.26 | |||||||||
September | 50.08 | 49.93 | – 0.15 | |||||||||
October | 49.35 | 49.89 | 0.543 | |||||||||
November | 51.88 | 51.47 | -0.413 | |||||||||
December | 51.22 | 52.13 | 0.905 | |||||||||
Average | 49.54 | 50.38 | 50.09 | 0.839 | -0.289 | |||||||
Source: Philippine Statistics Authority |
Table 3. EMPLOYED PERSONS, Millions | CHANGE | |||||
2022 | 2023 | 2024 | 2023 v. 2022 | 2024 v. 2023 | ||
January | 43.02 | 47.35 | 45.94 | 4.33 | -1.41 | |
February | 45.48 | 48.80 | 48.95 | 3.32 | 0.15 | |
March | 46.98 | 48.58 | 49.15 | 1.61 | 0.57 | |
April | 45.63 | 48.06 | 48.36 | 2.43 | 0.30 | |
May | 46.08 | 48.26 | 2.18 | |||
June | 46.59 | 48.84 | 2.25 | |||
July | 47.39 | 44.63 | -2.76 | |||
August | 47.87 | 48.07 | 0.20 | |||
September | 47.58 | 47.67 | 0.09 | |||
October | 47.11 | 47.80 | 0.69 | |||
November | 49.71 | 49.64 | -0.07 | |||
December | 49.00 | 50.53 | 1.52 | |||
Average | 45.28 | 48.20 | 48.10 | 1.32 | -0.10 |
Source: Philippine Statistics Authority