NAKIKIISA ang Office of the Vice President (OVP) sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid al-Adha.
Kinikilala at ipinagdiriwang natin ang mahahalagang kontribusyon ng ating mga kapatid na Pilipinong Muslim sa patuloy na pag-unlad ng ating bansa.
Kaisa natin sila sa pag-aalay ng panalangin para sa buong bayan upang tayo ay mamuhay nang mapayapa at lalo pang mapatibay ang ating patuloy na pag-unlad at pagkakaisa.