27.2 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Ugnayan ng PCUP at PAGCOR lalong pinatibay

- Advertisement -
- Advertisement -

LUNGSOD QUEZON, Kalakhang Maynila — Nakatakdang ipamahagi ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang mga food packs sa mga maralitang taga-lungsod sa ilang barangay sa Aklan, Negros Occidental, Sultan Kudarat, Tawi-Tawi at Zamboanga Sibugay.

Ayon kay dating media man at PCUP National Capital Region (PCUP-NCR) commissioner Rey Galupo, kasabay ng pamamahagi ng mga food packs ang mini caravan na isasagawa sa mga barangay ng Manoc-Manoc sa Malay, Aklan; Taloc sa Bago City, Negros Occidental; at Poblacion sa Sultan Kudarat; at mga bayan ng Bongao sa Tawi-Tawi at Ipil sa Zamboanga Sibugay.

Nagpahayag ng pasasalamat si Galupo sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) “sa kahandaan nito at bukas-palad na pagtulong sa ibang mga ahensya ng pamahalaan at grupo na nagbibigay ng ayuda sa mahihirap na sektor ng ating lipunan.”

“PAGCOR has always been at the forefront of the government’s effort to help the needy and the deprived. It is with this thought that PCUP sought and reaffirms their partnership, which had been ongoing for so many years,” wika ni Galupo.

Naglalaman ang mga bawat food packs ng dalawang kilong bigas, apat na piraso ng canned goods, tig-isang pakete ng instant coffee at powdered chocolate na ipapamahagi sa 2,500 benepisyaryo.

“Makakaasa ang ating mga maralitang tagalungsod na patuloy tayong magsasagawa ng mga proyekto at programang makakatulong, gaano man ito kaliit, upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at ilapit sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan,” dagdag ng commissioner.

Ayon naman kay Eric Balcos, assistant vice president for community relations and service ng PAGCOR, welcome sa kanyang ahensya ang oportunidad na makipagtulungan sa PCUP “dahil mayroon din silang mandato na magkaloob ng basic services sa lahat ng mga nangangailangan.”

Nagpasalamat din ni PCUP chairperson Elpidio Jordan Jr. sa PAGCOR sa pagtalima nito sa programang pagtulong at pinuri din ang 1st Air Reserve Center sa ilalim ni Lt. Col. Rifiel Santiago Sotto at Philippine Air Force Civil-Military Operations Group (PAFCMOG) sa pangunguna ni 2nd Lt. Nelson Ebio sa paghanda at pagbigay ng transportasyon upang maihatid ang mga food packs sa PCUP.

Sinabi ni Galupo na magpapatuloy ang urban poor commission na magsagawa at makipagtulungan sa ibang ahensya ng pamahalaan upang makapagbigay ng mahahalagang serbisyo para sa ating mga maralita.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -